Una sa Balita

ALAB: Sa pagbagsak ng tabing

By
0 5

Unang nag-sign off ang aking “Tsamp” sa ABANTE Tonite may ilang linggo na rin ang nakakaraan.

Ngayon ay “Alab” naman.  Pang-huling “Alab” na po ito.

Lahat daw ng wakas ay malungkot.

Pero huwag tangisan ang aking pamamaalam.

Lahat may katapusan, kasali ang mga magaganda at masasayang sandali.

Mahalaga ang kilanlin ang katotohanan.  Kung hindi, lalo lamang tayong malulublob sa pusali ng pagdadalamhati.

Ang pagkawala’y paglipat lamang mula sa isang kuwarto pa-kabilang kuwarto.  Mula sa lumang damit pasuot sa bagong saplot.

Ang ika’y lumisan, pinalisan, ay kapalit lamang ng isang panimulang yugto muli ng buhay. Sinabi iyan ni Pareng Carlo Caparas.

Gulong wari ang buhay. Tsubibo.  Paikut-ikot lang.  Minsan, nasa taas ka.  Minsan, nasa baba ka.

Kapag tinalikdan mo ang realidad, hindi ka makakaabante.  Makakaahon.

Salamat kina Nick Quijano, Tito Deblois, Virgi Romano at Vladi Eduarte.  Sila ang nagbukas ng pintuan para patuluyin ako sa puso’t kamalayan ni Bossing Butch Macasaet.

Sabi sa akin ni Nick noon:  “Nagretayr ka na pala sa  Inquirer.  Dito ka naman sa amin ngayon.”

Taong 2007 noon.  Enero.

Mahigit 10 taon na rin pala.

Sa pagbagsak ng tabing, muli’y isang tsapter ang nagwakas.  Sa bendisyon ng Panginoon, marami pang darating?

Kay Pol Palakol at sa lahat, maraming salamat.

Hanggang sa muli.