Una sa Balita

ALAB: Sa boksing, normal ang lokohan

By
0 3

Nagulat ba kayo nang matigpas ang labanang Pacquiao-Horn na itinakda sa isang buwan sa Brisbane, Australia?

Ako hindi.

Nagulat din ba kayo nang tinabla rin ang eng­kwentrong Pacquiao-Khan sa Mayo 20 sa Dubai?
Ako rin hindi.

Kaya parehong hindi ang sagot ko dahil matagal ko nang sinasabi rito na sa boksing, walang kasi­guraduhan.

Normal sa boksing ang mga personalidad na daldakina.

Kung sinu-sino ang mga nagpapahayag ng ga­nito at ganoon.

Akala mo, bawat salita’y sagradong totoo kung mamutawi sa labi ng mga taga-sirkulo mismo ni Pacquiao.

Isa na riyan si Mike Koncz, ang Canadian na tagapayo ni  Pacquiao.

May tendensi siyang pangunahan ang lahat.

Siya ang nagsabing si Jeff Horn, ang dating guro mula Australia, ang makakalaban ni Pacquiao sa Abril 23.  Hindi nagtagal, kasinungalingan.

Sumunod ay si Amir Khan naman sa Mayo 20.  At mula $5 milyon sa naunsiyaming Horn fight, naging $38 milyon kuno ang kikitain ni Pacquiao sa Khan fight.

Sa 2 sirko ni Koncz, todo halakhak si Bob Arum, ang Kanong promoter ni Pacquiao.

‘Di kasi, pinangunahan siya ni Koncz.

Pero ganyan talaga sa boksing. Kung minsan nga, nagkapirmahan na ng kontrata, kanseladong bigla ang laban.

Tandaan:  Maski umakyat na sa lona ang 2 boksingero, wala pa ring laban.

Sa batangtang ng unang kampana saka pa lamang may boksing.

Alam iyan ni Sen. Pacquiao.