Una sa Balita

Alab Pilipinas pasok na sa ABL playoffs

By
0 493

SINIGURO ng San Miguel Alab Pilipinas­ ang isang silya sa playoffs habang nakamit­ din agad nito ang homecourt advantage matapos itala ang kabuuang ika-15 panalo sa pagwawagi nito sa dumayong Zhuhai Wolf Warriors 108-81 sa Santa Rosa Multi-Purpose Sports Complex.

Hindi ininda ng Alab Pilipinas ang hindi paglala­ro ni PJ Ramos, na nasuspinde ng isang laro dahil sa pagtatamo nito ng kabuuang limang technical fouls sa torneo, matapos na maagang dominahin ang laro tungo sa pagpapanatili sa malinis nitong kartada sa homecourt sa 11 diretsong laro.

Agad na itinala ng Alab ang 10 puntos na abante sa unang yugto, 28-18, bago inihulog ang 32-23 bomba sa ikalawa tampok ang apat na sunod na tres ni Caelan Tiongson tungo na sa pag-uwi sa ikalawang­ sunod nitong panalo.

Pinamunuan ni Renaldo Balkman ang Alab sa itinalang 20 puntos, anim na rebounds, siyam na assists, isang steal at tatlong blocks habang tumulong si Bobby Ray Parks na may 17 puntos, limang rebounds at limang assists at isang block at si Brandon Rosser na may 16 puntos, apat na rebounds at tatlong assists.

Nag-ambag din si Tiongson ng 14 puntos, pitong rebounds, isang assist at dalawang block habang si Lawrence Domingo ay may 12 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy