Una sa Balita

ALAB: Pait at tamis

By
0 108

Pait at tamis para kay Serena Williams ang ­panalo niya sa Australian Open.

Ang tinalo niya kasi ay ang kanyang Ate Venus.

Pero kailangan niyang talunin si Venus, edad 36, dahil kung hindi, baka akusahan siyang siya’y laglag.

Ibig sabihin, magdududa ang marami sakaling si Venus ang nanalo.

Di kasi, ngayon lamang nakapasok muli sa ­finals ng isang tennis major si Venus makalipas ang 14 na taon.

Isang rekord iyan para kay Venus, na nawala sa Top 100 ranking ­matapos na siya’y dapuan ng Sjgoren’s Syndrome, isang sakit na nagpapahina ng panlaban natin sa mikrobyo.

Kayat kung si Venus ang nanalo sa Melbourne, ang kanyang ika-8 sanang major ay pagsususpetsahan.  Meron siyang 5 Wimbledon titles.

Bago pa man mag-umpisa ang kapatid-sa-kapatid na bakbakan, halos ni katiting na tsansa’y wala kay Venus.  Saklap.

Nakakatawa wari pero walang magawa si Serena, 35, kundi manalo.

Dahil siya’y super-liyamado, todo oldaway ang hataw ni Serena sa bawat istrok ni Venus.

Bilib ako. Totoong tao si Serena.

Matamis at pampataba ng puso ang panalo ni Serena.

Sa panalo niya kasi, naka-23 Grand Slam record titles na si Serena sa Open tennis era. Nabura ang 22 titulo nila ni Steffie Graf.

Isang titulo na lang tatablahan na ni Serena si Margaret Court sa 24 major titles.

Tingin ko’y makakamit ni Serena iyan sa taong ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy