Una sa Balita

ALAB: Muli, puso ang sikreto

By
0 3

Dito pala gagawin ang SEABA Basketball Championship sa Mayo 12-18 sa Smart Araneta Coliseum.

Dati’y sinisisiw ­natin ang ligang ito. Tulad din ng palagian nating tagumpay sa SEA Games.

Sa SEA Games ay minsan lang tayo nasilat.  Malaysia ang tanging tumalo sa atin—noong 80s.

Abante Hiring – IT dep

Pagdating sa SEABA’y lagi tayong tsamp.

Pero iba na ngayon ang kalakaran.

“Hindi na puwedeng maliitin ang Thailand, Indonesia, Singapore at Malaysia,” sabi ni Chot Reyes, ang coach muli ng Gilas Pilipinas na ­sasabak sa SEABA. “May mga naturalized ­players na rin silang lahat.”

Meron tayong dalawang naturalized players: Andre Blatche and Marcus Douthit.

Pero may edad na rin ang dalawang Amerikano.  At hindi na swak si Douthit kay Chot matapos silang magkabanggaan sa 2014 Asian Games.

Matibay pa rin ang ating koponan wari dahil 20 sa national pool ay mga PBA players.

Ang tsamp sa SEABA ang papasok sa Lebanon Fiba Asia Cup Agosto 10-20.

Ang 14 na bansang papasok sa Lebanon ay magkukulyahan para sa Top 2 spots papuntang 2018 Fiba World Cup sa China.

Maulit kaya ang kasaysayan at mapitas uli ­natin ang isang tiket papuntang World Cup?

Kung nakapasok tayo sa 2014 Spain Fiba World Cup, walang dahilan para tayo’y hindi rin maka­abante sa 2018 Fiba World Cup sa China.

Muli, tibay ng dibdib at puso ang sikreto.