Una sa Balita

ALAB: ‘Malaska’ na ngayon ang Alaska?

By
0 171

Wari’y kakambal ng Alaska ang malas?

Noong 2016 PBA Philippine Cup Finals, umabante sa 3-0 ang Alaska sa ­best-of-seven series laban sa San Miguel Beer.

Isang panalo na ­lamang, tsamp na ang Aces.

Sa apat na laro’y parang impusibleng ­hindi makasilat ng isa ang Alaska.

Pero nangyari ang hindi inaasahan.

Ang tatlong sunod na panalo ng Alaska ay nasundan ng apat na sunod na talo ng Aces.

Tsamp ang San Miguel Beer, 4-3.

Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na ang isang koponang naiwan sa 0-3 ay nakabalik at nanaig sa bandang huli, 4-3.

“Napakasakit Kuya Eddie” para sa Alaska.

Kababalaghan?  Himala?  Naaswang ang Alaska?

Pero sa isang kagimbal-gimbal na sorpresa, coach pa rin ng Alaska si Alex Compton. ­Hindi siya tinanggal ni ­Freddie Uytengsu, may-ari ng Alaska.

Wari’y nagbunga ang desisyon.

­Pumangalawa ang Alaska sa 2017 ­Philippine Cup ­elimination.  Isang panalo lang laban sa Ginebra at pasok na sa semifinals ang Aces.

Pero heto at nakulam na naman yata ang Alaska.

Sa dalawang sunod na panalo ng Ginebra, sinipa ng Gin Kings ang Aces.  Napakasaklap talaga para sa Alaska.

Sabi ni Pareng Jake P. Ayson ay iwasang ­bigkasin ang malas.  ­“Kulang lang sa su­werte,” sabi niya.

OK, Pareng Jake.  Pero kung may marinig akong tumawag sa ­Alaska ng “Malaska,” hindi ko siya masisisi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy