Una sa Balita

ALAB: Malaking karangalan

By
0 6

Sa Biyernes na (Abril 7) ang ika-4 na taong pagdaraos ng Chairman Kap Golf Invitational sa Wack Wack/Mandaluyong.

Muli, sangkaterba ang inaasahang lalaro. Halos tinitingala sa altasosyedad ang karamihan sa mga imbitado.

“Maraming kasali pero hanggang sa kasalukuyan, nasa 30 pa rin ang naghihintay na maipasok sa listahan,” sabi ni Gerard Cantada, ang punong abala ng torneo. “Talagang dinudumog tayo, Tito.”

Pati si Lucio “Bong” Tan Jr. ay panay kamot din ang ulo.

“Napakaraming kaibigan ni Erpat at hanggat maaari, gusto naming makalaro silang lahat,” sabi ni Bong na anupat si Dr. Lucio “El Kapitan” Tan ang kanyang Erpat.

Idinadaos ang ­palaro bilang papuri sa ­mahusay na ­pamumuno ni Dr. Tan sa kanyang mga kumpanya tulad ng ­Tanduay, Fortune, Eton at Philippine Airlines.

Binili at binuhay ni El Kapitan ang ­pabagsak nang Tanduay noon, bagay na umani ng palakpak dahil maraming manggagawa ang hindi nawalan ng trabaho.

“Sa Tanduay ­ngayon, napakahigpit ng ­samahan,” sabi ni Bong, pangulo ng Tanduay Distillery. “Sa darating na golf tournament, ­muling bubuhayin ang ­espiritu ng matibay na samahan. Legacy iyan ng aking ama.”

Mapalad akong maimbita. Isang kara­ngalang aking maipagmamalaki sa aking mga anak at sa aking mga kaapu-apuhan na rin.

Isang alamat na kasi si El Kapitan.