Una sa Balita

ALAB: Libel natuloy

By
0 1

Hindi na nagpaawat si Ramon Fernandez, ang four-time MVP sa Philippine Basketball Association (PBA).

Itinuloy niya noong Martes ang banta ­niyang sasampahan niya ng ­libel si Peping Cojuangco, ang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Bunsod ito ng pag-akusa ni Cojuangco na si Fernandez ay nagbenta raw ng laro (game-fixing) noong ito’y naglalaro pa sa Toyota sa PBA.

Sa Cebu dinala ni Fernandez ang kaso.

Wala sanang kaso kung binawi ni ­Cojuangco ang kanyang akusasyon, humingi ng tawad at ­nagresayn bilang pangulo ng POC.

Humihingi si Fernandez ng P10 milyong ­danyos bunga raw ng paninirang-puri ni Cojuangco.

Napikon at ibinwelta ni Cojuangco ang game-fixing nang ibulgar ni Fernandez ang umano’y hindi paglikwideyt ni Cojuangco ng P38 milyon na tinanggap niya mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Kasalukuyang PSC commissioner si Fernandez.

Bilang depensa kay Cojuangco, sinabi ni ­Steve Hontiveros, isang opisyal ng POC, na ayos na ang liquidation.

Pero tila balewala na ngayon ang isyu ng ­liquidation.

Ang kasong libel ang inaabangan ng lahat ngayon.

Sa kasaysayan, bibihira ang nahahatulan sa ­kasong libel. Sa 10 kaso ng libel, maswerte nang may isang nakulong at nagbayad ng danyos.

Makalusot kaya si Cojuangco at siya’y mapawalang-sala?

Masaya ito.