Una sa Balita

ALAB: Labanan ng manginginom

By
0 682

Nangyari rin ang halos ay inaasam ng lahat:  ­Labanan ng mga manginginom.

Dahil sa pag-uumpisa ngayon ng salpukang San Miguel Beer-Ginebra San Miguel, kasaysayan ang maitatala.

Ngayon lang maghaharap sa PBA championship ang dalawang koponan na inuming pampahilo ang produkto.

Kulang na lang sa beer at gin ay Coke. Sa tatlong iyan ako natutong magsaya: Beer-Gin-Coke.

Inumpisahan ko iyan noong ako’y haiskul. Ang pulutan?

Pinitpit na hilaw na sampalok. Babad sa sukang Iluko na winisikan ng bagoong isda. Binudburan ng tinadtad na siling labuyo. Sa anghang ay labas-­tainga ang usok.

Kapag may badyet, mula sa huweteng o panalo sa cara’y cruz, may ­ngu­nguyaing kambing kilawen o pritong tapang usa kundi man baboy damo.

Palibhasa’y probinsiya, maraming paraan, kaugalian, na sandalan ng mga masayahing maglalaklak.

Sa best-of-seven ay angat nang konti sa tao ang Beermen dahil kay June Mar Fajardo. Idagdag diyan ang kasama niya sa pamatay na SMB First Five na sina Santos, Lassiter, Cabagnot at Ross.

Sa championship experience babawi ang Ginebra dahil si coach Tim Cone ay nasa ika-31 PBA Finals na kontra sa ika-4 lamang ni SMB coach Leo Austria.

Pero kadalasan ay balewala ang istadistika pag Finals ang pinag-uusapan.

Sa huli, manipis at walang kaha si Japeth Aguilar laban kay Fajardo. ­Diyan magkakatalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy