Una sa Balita

ALAB: Himala ng homecourt  

By
0 140

Kengkoy din ang NBA.  Matatambakan ang isang koponan nang 2 sunod tapos mananambak din.

Tignan: Bugbog ang Cleveland sa Oakland (104-87 at 110-77) pero sa Game 3 sa Cleveland kahapon, dinurog ng Cavaliers ang Warriors 120-90.

Tila may hatid na himala talaga ang homecourt.

Sa Oakland, lupaypay ang Cavs. Pero kahapon sa balwarteng Quick Loans Arena sa Cleveland, Ohio, nabaliktad ang mundo at Cavs naman ang namiyesta sa mga pamatay na puntos.

 Manaig din kaya muli bukas ang Cleveland para maitabla nila ang best-of-7 NBA Finals sa 2-2?

Wari’y ganyan ang regla. Nadalawahan din ng Toronto ang Cleveland nang idaos ang Games 3 & 4 sa Toronto nitong nakaraang Eastern Finals.  Pagbalik sa Cleveland, panalo ang Cavs at kanilang tinapos ang serye pagbalik sa Toronto 4-2.

Sumagitsit agad ang Cavs kahapon sa abanteng 9-0 bago umangat sa 33-16 sa 16 puntos ni Kyrie Irving at  8 ni LeBron James.

Bagamat nakadikit sa 43-51 ang Warriors, tuluyan na silang pinulbos sa mga abanteng 70-48 at 95-69 ng Cavs sa 4th quarter.

Naka-19 si Steve Curry ng Golden State pero 2 lang sa first half. Si Warrio­r Klay Thompson ay naka-10 lang.

May 32 naman si James at 30 si Irving.

Ako’y kiling sa bertud ng sariling teritoryo.  Kayat bukas sa Game 4, rebans­e kami ni Pol Palakol. Pero ang tanghalian ay may kasahog na serbesa. San Mig light.  Tigalawa lang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy