Una sa Balita

ALAB: Ginebra nakaligtas sa kahihiyan

By
0 103

Tsamba nga ba ang panalo ng Barangay Ginebra San Miguel noong Linggo sa Lucena?

Mantakin: Matatalo na ang Gin Kings nang makadukot ng followup si Joe Devance para ihatid ang Ginebra sa obertaym.

Sa iskor na 110-108, abante ang San Miguel Beer, mintis si Devance sa kanyang unang panablang birada.

Pero narebound ni Devance ang kanyang min­tis matapos ang kulyahan nila ni Arwin Santos sa rebound, .03 segundo na lamang ang nalalabi.

Nakapag-follow-up si Devance sabay ng tunog ng buzzer at tabla sa 110-110 ang iskor.

Pero mistulang nangamote ang San Miguel Beer sa five-minute extention.

Di kasi, edyekted si Beerman Marcio Lassiter sa salang panunudyo at gradweyt naman ang kakampi niyang si June Mar Fajardo sa six fouls.

Sa obertaym, nagradweyt din si Beerman Chris Ross.

Sa pagkawala ng 3 pambato ng SMB, madaling sumagitsit ang Gins Kings para itakas ang panalong 124-118. Tabla sa 1-1 ang best-of-7 finals ng PBA Philippine Cup.

Sa panalo ng Kings ay nakaligtas sa kahihiyan ang Ginebra:  Itinapon nila ang 26 puntos na abante bago sila nakabawi sa obertaym: Salamat kay Devance.

Liyamado muli ang SMB sa Game 3 ngayon pero kailangan lang daw ay huwag magradweyt sina Fajardo at Ross, at si Lassiter ay tumapos din.

At ito’y pakatandaan: Lumpo ang SMB kapag naubos sa fouls si Fajardo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy