Una sa Balita

ALAB: Cone nakulata kay Austria

By
0 4

Bakit nagkatotoo ang aking mapangahas na prediksiyon?

Na ang mananalo ng Game 4 ay tatanghaling tsamp sa PBA Philippine Cup?

Simple lang ang sagot.

Kapag hindi nagloko ang First Five ng San Miguel Beer, walang tatalo sa Beermen.

Sa elimination round pa lang, 10-1 ang SMB. Disgrasya lang ang kaisa-isang talo ng Beermen sa Phoenix.

Tiklop din ang Rain or Shine na yumukod agad sa isang engkuwentro lamang laban sa SMB sa quarters.

Umabot sa Game 7 ang SMB-TNT semifinals. Dito sinuwerte ang Beermen nang hindi nakalaro si KaTropang Jason Castro sa Game 7.

Bumuhos din ang suwerte sa Ginebra nang malusutan nito ang Star sa kanilang Game 7 semifinals.

Pero sa Finals, naubos ang buwenas ng Ginebra matapos nitong masikwat ang Game 2 sa obertaym para itabla ang best-of-seven Finals sa 1-1.

Gayunman, nang tinotoo na nina SMB First Five Fajardo, Santos, Lassiter, Cabagnot at Ross ang bakbakan, nanguluntoy ang Ginebra.

Hindi pa man naitatala ng SMB ang panalong 99-88 sa Game 3, buong tapang ko nang sinabi rito na tsamp na ang mananalo ng Game 4.

Kayat sa 94-85 na tagumpay ng SMB sa Game 4 para sa abanteng 3-1, ang panapos sa seryeng 91-85 win sa Game 5 ng Beermen ay hindi na dapat pagtakhan pa.

Insulto wari kay Ginebra coach Tim Cone ang panalong 4-1 ni SMB coach Leo Austria.

Kung boksing ito, tulog si Cone sa second round. Nakulata.