Una sa Balita

ALAB: Butch balik PSC

By
0 120

Sa pagbabalik ni Butch Ramirez bilang hepe ng Philippine Sports Commission (PSC), asahan ang mga makabuluhang pagbabago sa sports.

Kung dati’y naka­sandig lang halos ang PSC sa Pagcor pagdating sa pondo nito taun-taon, iba ang diskarte ni Butch.

Bukod sa Pagcor, kakalampagin din ni Butch ang pribadong sektor para suportahan ang grassroots at elite sports.

Hindi na rin bago iyan pero sa intensiyong isali muli ang mga pribadong kumpanya, lalo pang madaragdagan ang pondong pang-sports.

Bagamat malaki rin ang ambag ng Pagcor sa PSC, ‘di hamak na kulang pa rin.

Magastos ang paghahanap ng bagong talent sa kanayunan.  At mas magastos pa lalo ang treyning.  Hindi pa kasali riyan ang tirahan, pagkain at gamit pang-sports ng ating mga atleta at coaches.

Nasa mabuting kamay lalo ang PSC dahil kay Ramon Fernandez, isang haligi hindi lang sa basketbol kundi sa lideratong may direksiyon.  Naka­trabaho ko si Ramon at talagang hanep dumiskarte.  Swerte si Butch sa kanya.

Gayundin kay Charles Maxey. Bilang dating sports editor ng SunStar Davao, malawak ang kaalaman niya sa sports.

Kung sina Ramon at Charles ay personal kong kilala, dayuhan sa akin sina Fatima Kiram at Arnold Agustin.  Pero dahil kabig sila ni Butch, asahan nating okey din ang dalawa.

Sa pangunguna ni Butch, ating atleta wari’y maaliwalas ang bukas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy