Una sa Balita

ALAB: Bakit tsamp ang Ginebra?

By
0 4

Bakit tsamp muli ang Barangay Ginebra?

Apat na bagay lang:

Una, magaling talaga si LA Tenorio.

Abante Hiring – IT dep

Ikalawa, henyo talaga si Coach Tim Cone.

Ikatlo, talagang lantay na gintong import si Justin Brownlee ng Ginebra.

At ika-apat, sori pero bulok pala si Meralco import Allen Durham.

Noong Miyerkules, bumira si Tenorio ng 25 puntos, 13 riyan ay sa third quarter para dumikit ang Ginebra, 65-66, mula 32-45 sa halftime.

Matapos maselyuhan ng Ginebra ang panalong 91-88 laban sa Meralco para sa 4-2 victory ng Gins sa PBA Governors’ Cup, kinoronahan si Te­norio na Finals MVP.

Sa 3 timeout ni Cone ay 3 beses ding umiskor ang Ginebra — 86-84 (2:36 minutes), 88-86 (35.8 seconds) at 91-88 sa huling 5.5 segundo ng laro.

Mga henyong coach lamang ang nakakagawa niyan. Si Cone lang iyon.

Sa huling timeout ni Cone naiswak ni Brownlee ang tres sa buzzer na nagpanalo sa Ginebra.

Pumasok ang tres na pinakawalan ni Brownlee mula gitna at malayo sa three-point line.

Bago ang tres ni Brownlee, kabyus ang lay-up ni Durham na nagbigay sana ng 90-88 kalamangan para sa Me­ralco, 5.5 segundo ang natitira.

Na-rebound ni Brownlee ang mintis. Timeout agad si Cone.  Ang kasunod nito’y ang pamatay na tres ni Brownlee.

Libreng-libre halos ang go-ahead shot ni Durham sa 5.5 segundo. Kataka-taka’t sablay siya.  ‘Di ba’t siya ang Best Import of the Conference?

Nagtatanong lang po.