Una sa Balita

ALAB: Astig kontra astig

By
0 3

Tuloy pa rin ang suportang pinansiyal ng ­Philippine Sports Commission (PSC) sa mga National Sports ­Associations (NSAs).

Iyan ang ipinagdiinan ni PSC Commissioner Charles Maxey sa isinasagawang pulong sa Baguio hinggil sa Philippine Sports Institute.

“Tuloy ang suporta sa NSAs,” sabi ni Maxey kay sportswriter Marc Anthony Reyes ng Inquirer.­ “Pero sana naman, mag-focus sila palagi sa kanilang ­treyning.”

Matindi ang binitawan ni Maxey sa gitna ng ­bangayan sa pagitan ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC).

Mula sa NSAs kumukuha ang POC ng mga atletang panlaban sa SEA Games, Asian Games at Olympic Games.

Pero ang gastos ng NSAs ay galing naman sa PSC bilang tulong pinansiyal­ ng gobyerno sa ating mga atleta.

Pero nagkalamat ang relasyon ng POC at PSC nang akusahan ni PSC Commissioner Ramon Fernandez si POC President Peping Cojuangco ng anomal­yang pinansiyal sa 2005 SEA Games na idinaos sa Maynila.

Bilang buwelta, tinawag ni Cojuangco si Fernandez na “game fixer” nang si Fernandez ay naglalaro pa sa Philippine Basketball Association.

Kung hindi raw magsosori si Cojuangco at magreresayn bilang POC president, sasampahan siya ng libel ni Fernandez.

Dahil astig si Cojuangco, dededmahin niya si Fernandez.

Astig din naman si Fernandez kaya’t tingin ko’y itutuloy nito ang kaso.  Abangan!