Una sa Balita

ALAB: Ancajas wari’y hinog na

By
0 84

Sa panalo ni Jerwin Ancajas noong Linggo, lalo pa siyang bumango kay Manny Pacquiao.

Di kasi, nanalo si Ancajas by 8th-round TKO laban kay Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico sa Macau.

Dahil dito, hindi lang napanatili ni Ancajas sa kanyang mga kamao ang IBF world junior bantamweight crown kundi nailinya rin niya ang kanyang sarili sa mas malalaki pang laban sa mga susunod na buwan.

Ngayon pa lamang, nakakasa na ang susunod niyang engkwentro pusible sa Abril o Mayo.

At hindi malayong mag-umpisa nang tumabo sa takilya si Ancajas, na siya ngayong pinakamainit na boksingero sa MP Promotions ni Sen. Pacquiao.

Sinigurado ni Ancajas, 25, na matalo niya si Rodriguez, 27, bago matapos ang 12 rounds para pasayahin si Boss PacMan.

Kaya naman hindi niya tinantanan ang pagbato ng mga jabs, left straights, right hooks (kaliwete si Ancajas tulad ni Pacquiao) at mapanlamog na bugbog-bodega.

Lupaypay si Rodriguez (32-5, win-loss, 19 KOs) pag-upo nito sa kanyang korner pagkatapos ng 7th round.

Nang tumunog ang batingaw para sa 8th round, hindi na makatayo ang Mehikano. Sumuko sa tindi ng mga patama sa kanya.

Ito ang ika-17 KO win ni Ancajas (26-1-1), patunay lamang na may kalalagyan siya sa world boxing.

At ito na rin wari ang hudyat ng papaimbulog nang karir ni Ancajas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy