Una sa Balita

Ala-Regine Velasquez: Hannah hinasa ang pag-awit sa ilalim ng dagat

By
0 215

Sobrang pamilyar na ang boses ni Hannah Prescillas sa mga manonood, dahil na rin sa pagkanta niya ng mga theme song ng mga teleserye sa GMA 7. Aba, ikaw ba naman ang pakantahin ng mga theme song ng Kambal Karibal, Onanay, at marami pang iba, na maya’t maya ay pinatutugtog sa primetime bida ng Siyete, talagang hahanap-hanapin na ang tinig mo, ha!

At kahit ako, late ko na lang nalaman na si Hanna nga pala ang tinig sa likod ng mga magagandang awitin na madalas ay nagiging sanhi ng pagka-LSS ko, lalo na sa gabi nga.

Pero sino ba si Hannah? Kung titignan mo si Hannah, pagkaliit-liit na babae, pero halimaw ang boses, ha!

“Ang dami ngang nagsa­sabi ng ganyan, lalo na ‘pag nakikita na nila ako nang personal. Sasabihin nila, grabe ang boses mo, pero ang liit mo pala,” kuwento ni Hannah.

Kunsabagay, karamihan sa mga maliliit na babae, mahuhusay talagang kumanta. Mula kay Nora Aunor noon, hanggang kina Janine Berdin, Jona Viray, at Golden Cañedo nga, ‘di ba?

Si Hannah ay produkto rin ng singing search, ang Bet ng Bayan, na ang mga host ay sina Regine Velasquez at Alden Richards, apat na taon na ang nakalilipas. 14 years old pa lang daw siya nu’ng mga panahon na ‘yon.

“Student pa lang ako noon sa Bohol, sumasali na talaga ako sa mga singing contest. Like paggaling ko sa school, nag-aayos na ako kasi nga sasali sa singing contest. And then, nagkaroon din ako ng band noon, at gabi-gabi rin naggi-gig ako, sa pro­vince pa rin namin sa Bohol.

Anyway, tulad ng idolo niyang si Regine, inilubog din daw siya ng nanay niya sa dagat (hanggang leeg lang naman) at doon hinasa ang pagkanta niya.

“Ginawa ni Mama sa akin ‘yon bago ako mag-formal voice lesson. Si Mama talaga ang nag-practice sa akin. At 7 years old pa lang ako, pinag-aral na talaga akong kumanta,” kuwento ni Hannah.

 

Super iwas sa tukso:‘Lahat ng meron ako, pinaghirapan ko’

At hanggang ngayon nga, ang pagba-banda pa rin ang pinagkakaabalahan ni Hannah, ang Spellbound Manila, na retro band ang deskripsi­yon niya. Mapapanood sila sa Alabang, Greenhills, at Makati, at sa Diamond Hotel Manila.

Masasabi ngang umasenso na rin si Hannah sa buhay.

“Pinag-ipunan ko naman lahat ng meron ako nga­yon,” sabi niya.

Sa husay kumanta, at ganda ni Hannah, marami ngang mayayaman ang umaali-aligid sa kanya. Pero, sorry na lang, dahil hindi raw pera ang ha­nap niya sa isang karelasyon. Kaya nga raw siya nagta­trabaho nang husto.

“Kahit noon ang sinasabi ko na talaga sa sarili ko, ang gusto ko pinaghirapan ko lahat kung ano ang meron ako, at hindi dahil galing sa ibang tao, o bigay lang ng iba, o dahil nakapag-asawa ako ng mayaman.

May boyfriend si Hannah ngayon, kaya sorry na lang ulit sa mga gustong manligaw sa kanya.

“Kumbaga, kung mag-aasawa man ako, dapat pareho kaming magsusumikap para umasenso,” sabi ni Hannah.

Pangarap din ni Hannah ang umarte, kung mabibigyan ng chance. At sa totoo lang, nu’ng nag-guest siya sa ‘Abantelliling’ show namin ni Rey Pumaloy sa Abante News Online, marami talaga ang nabighani sa boses niya.

“Sasabihin nila, grabe ang boses mo, pero ang liit mo pala.”

 

Kristal halimaw sa pagpapatawa, kantahan

Mukhang tarsier, ipinaglihi sa ‘undin’, gani­yan kung tuksuhin ni Kristal Colarina ang sarili niya. Isang paraan para matawa ang mga manonood niya sa kanya, at ‘yun nga ay ang laitin ang sarili niya.

Sa guesting niya sa ‘Abantelliling’ show namin ni Rey Pumaloy, pinasakit nga niya ang tiyan ng mga manonood, at mga kasamahan sa opisina, dahil sa pagpapatawa niya. Si Kristal nga ang inimbita namin para magsilbing halimbawa sa susunod na pakontes namin sa Abante News Online, ang search for komed­yante, o stand-up comedian. At yes, waging-wagi si Kristal sa aspetong ito.

Pero, bakit nga ba Kristal?

“Di ba kasi, si Kristal anak ni Bakekang. Nu’ng time na ‘yon ipinapalabas pa sa TV ang Bakekang,” sabi niya.

Pero, si Kristal ay mestisa, na anak ni Bakekang sa isang foreigner.

“Pero, mas kamukha ko raw ‘yung isa pang anak ni Bakekang, ‘yung pangit. Si Charming. So ‘yun. Hahahaha!” sabi lang ulit niya.

Hindi ka ba nasasaktan kapag tinatawag kang pangit?

“Medyo! Pero nakakasana­yan ko na rin! Hahahaha!” sabay tawa niya.

Bukod sa husay magpatawa,­ magaling ding kumanta si Kristal. Kung ang iba nga raw ay hinasa ng mga magulang nila sa pagkanta sa pama­magitan ng paglubog sa dagat, ganun din daw siya.

“Pero nakakainggit nga ‘yung iba, kasi sa dagat sila inilubog. Ako kasi sa bowl lang. O minsan sa water jug. Hahahaha!” pakome­dyanteng chicka ni Kristal.

 

Kilabot ng TODA

‘Love ko ang mga drayber eh!’

Si Kristal nga ang tinaguriang Kilabot ng Toda (organisasyon ng mga traysikel, taxi, o jeepney driver).
“I love drivers. Hahahahaha!”

At sa tantiya ni Kristal, 17 years na rin daw siyang nagpapaligaya ng mga drayber, at lahat ng klase ng mga manonood sa mga sing along bar.

“Nag-start ako noon sa maliit na bar sa Malabon. Pa-extra-extra lang, kostumer lang ako. Hanggang sa nagsi-set na ako. Lakasan ng loob ‘yung pag-audition ko sa mga comedy bars.

“And then, nagkaroon ako ng grupo, ang Divadings! Puro magaganda sa grupo na ‘yon, ako lang ang naiba! Hahahahaha!
“Marami akong kayang i-impersonate. Puwede si Susan Enriquez! Hahahaha! Joke lang. Marami akong kayang gawin.

Masarap kasi ang feeling na marami kang napapatawa na mga tao.

Anyway, sana nga ay mabigyan pa ng pagkakataon si Kristal na maipakita pa ang husay niya sa pag-arte, pagpapatawa, at pagkanta.