Una sa Balita

“Ala eh, Batangas”

0 455

Isa Isa sa mga tanyag na puntahan ng mga turista at malapit lamang sa Metro Manila ang lalawigan ng Batangas. Ang mayamang kasaysayan at kultura ng nito, idagdag pa ang mga magagandang baybayin at bundok na kalimitang puntahan ng mga mountaineer ang lalong nagpapatingkad as likas na kagandahan ng lalawigan ngBatangas.

Sublait hindi lamang ang likas na yaman at kultura ng Batangas ang masasaksihan sa pagdayo rito. Larawan din ang Batangas ng isang umuunlad na lokalidad. Ang pantalan sa Batangas ay isa sa mga pangunahing pantalan sa bansa at daanan ng mga kalakal at serbisyo patungo sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Patuloy din ang pag-usbong ng maraming mga negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Batangas sapagkat marami na rin ang mga kalsadang nabuksan upang mapabilis ang transportasyon sa loob at maging sa paglabas ng lalawigan.

Marami ring tanyag na baya­ni, mambabatas at atleta ang nagmula sa lalawigan ng Batangas. Ang dakilang lumpo na si Apolinario Mabini ay mula sa bayan ng Tanauan. Ang Pilipinong heneral at bayani na si Miguel Malvar ay mula naman sa bayan ng Sto. Tomas. Ang tumahi ng ating watawat na si Marcela Agoncillo ay ipinanganak at lumaki sa Taal.

Gayundin, ang mambabatas at naging pangulo ng ating bansa na si Jose P. Laurel ay nagmula rin sa Tanauan. Ang kanyang pang-limang anak naman na si Salvador Roman H. Laurel ay nagsilbing pangalawang pangulo sa panahon ng panunungkulan ni Presidente Corazon C. Aquino. Ilang sikat na atleta rin ang nagmula sa Batangas tulad nina Alyssa Valdez at Kim Fajardo na ngayo’y tanyag sa larangan ng women’s volleyball at naging mahahalagang bahagi ng pambansang koponan.

Bilang isa sa mga nangungunang lalawigan sa rehiyon ng Calabarzon, tunay na angat ang likas at pantaong yaman ng Batangas, gayundin ang kasaysayan at kultura ng lalawigan. Sa patuloy na pagtahak nito sa landas ng pag-unlad, mapanatili nawa ng Batangas ang balanse sa pagitan ng kaunlaran at pagpapanatili at pangangalaga sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ngmabuting pamamahala at nagkakaisang layunin ng mga mamamayan ng lalawigan, isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mga Batangueño sa hinaharap.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy