Una sa Balita

Ala-Catwoman: Kris ‘di aatras sa mga kalaban ni PNoy

0 494

Ang pagiging malapit ulit sa isa’t isa ang positibong naging resulta ng mga sinabi ni Cong. Erice tungkol kay former President Noynoy Aquino.

Heto nga ang kuwento ni Kris:

“You were a blessing in disguise Cong. Erice. Because of you & your candidate, our FAMILY has moved so much closer to becoming WHOLE again… hindi na kailangan maging divided between Team N and Team K, because more than any other family, alam namin how temporary power and political alliances can be, BUT the whole of Monday, my sisters & i communica­ted a TRUTH & a BOND shared by every other Filipino regardless of political affiliation: HINDI MO TINATALIKURAN ANG KADUGO MO. DAHIL SA UMPISA AT HULI, ANG HINDI MANGIIWAN SA YO- PAMILYA.

“Because nakita nila despite 1 year na hindi okay, nangibabaw na mahal ko si Noy at yun na nga, BAHALA NA SI BATMAN pero handang handa si bunso, na para sa kanya, sya na ang ituring na CATWOMAN.

“Dahil meron ngang FOREVER, and that is FAMILY.”

Pero bago ‘yon, nakausap din ng Abante si Kris at heto nga ang sinabi niya:
“I wish I could say no comment BUT while i acknowledge he apologized, kung sincere diba madali akong i-text ng personal? Sen Kiko has my numbers. And several other people na kilala namin COULD easily connect us- again unfortunately na compare, si Bong Go personal, 37 minute phone call para magpaliwanag at mag sorry.

“Eh bakit sa kin mag so-sorry? The apology should be to Noy.

“I’ll quote ‘the saddest part about betrayal is that it never comes from our enemies’ – hindi kami close, never kaming naging close. Pero kung totoo yung sinabi nya na kaibigan syang matalik ni Noy- you don’t discard a friend because wala ka nang pakinabang sa kanya. At mas lalong hindi mo ibabaon ang isang tao para lang iangat ang kandidato mo… sorry pero ang babaw naman ng tingin nya sa mga VOTERS, na dahil lang magbu-blue iboboto na ang kandidato? Hindi ko sya enemy- honest naman, sino ba kami sa buhay ng isa’t isa? Pero sinimulan nila kaya tinapos ko-nagsalita lang ako dahil hindi ko kayang manahimik at pumayag na may isa pang tao ang umapak sa kapatid ko.

“A good man doesn’t deserve to be punished for staying decent. So kung kailangan ako ang contrabida- KAKAYANIN KO. Para lang alam nila na may isang Aquino na papalag at atakihin man ng lahat ng bashers at trolls- hindi aatras. Dahil laban para sa pa-milya nya ‘to.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy