Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Akyat bahay timbog sa pagwawala

0 193

Arestado ang isang lalaking miyembro ng akyat bahay na dumayo pa para magwala at ipinanakot ang kanyang replikang baril habang naghahamon ng away sa bawat taong dumaan sa San Andres Bukid, Maynila.

Sa kabila na nabukong replika lamang ang .45 kalibre nitong baril ay sinampahan pa rin ng kasong paglabag sa Art 155 Alarm and Scandal at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang suspek na si Jonjon Lagidao.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-nuebe ng gabi nang bitbitin si Lagidao sa riles ng tren ng PNR sa Osmeña Highway, malapit sa Pedro Gil St., sa San Andres, Bukid.

SM food to go Banner Ad

Nabatid kina P/ Cpl. Armstrong Valdezco at Patrolman Roi Christian Amamio, nagpapatrulya sila sa nasabing lugar nang makita ang suspek na armado ng baril at nagsisisigaw habang winawasiwas nito ang baril.

Hindi naman nakapalag si Lagidao nang dinisarmahan ito ng mga pulis.

Sa presinto, naberipika na si Lagidao ay miyembro ng akyat bahay makaraang pagnakawan ang bahay ng isang pulis base sa kuha ng CCTV sa lugar. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.