Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Akyat bahay huli sa akto

0 201

Bitbit pa ang ninakaw na kagamitan nang maaktuhan ng mga barangay tanod ang isang miyembro ng Sputnik gang kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Narekober sa suspek ang isang piano chair at antigong lamp shade na tinangay ng suspek na si Raymond Benito y Petate, 33, taga- San Andres Bukid mula sa bahay ni Michael Arvin Benjamin Grape, 38, ng 2105 Leon Guinto St., Malate .

Naganap umano ang insidente alas-8:58 ng gabi kung saan nakita ng dalawang tanod na dala-dala ng suspek ang ninakaw na kagamitan na nagkakahalagang P13,000.

Sinabi ni Grape na puwersahang sinira ng suspek ang pintuan saka pumasok at kinuha ang gamit nito sa bahay.

Nalaman na kilalang drug user ang suspek at posibleng wala itong pambili ng shabu kaya nagnakaw. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.