Una sa Balita

Akyat-bahay ginulpi ng mga pinagnakawan

0 342

SAKIT ng katawan ang inabot ng isang lalaki na pinagbubugbog ng mga residente nang maaktuhang nagnanakaw sa condominium na malapit sa Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Paco, Maynila, kamakalawa nang gabi.

Nagtamo ng mga pasa at galos sa katawan ang suspek na si Jayson Tolentino, 27, ng Tondo, Maynila.

Nakumpiska sa suspek ang isang backpack na nag­lalaman ng mga ninakaw nitong mga gamit sa iba’t ibang condo unit ng Gemin 1 Condominium, alas-siyete nang gabi.

Sa reklamo ni Aida Dimayuna, 53, nakapasok ang suspek sa kaniyang unit at kinuha ang dala­wang cellphone na naka-charge.

Kaagad itong humingi ng saklolo sa katabing kuwarto dahilan para maglabasan ang iba pang te­nant ng condo at saka pinagtulungang bugbugin ang suspek.

Sa imbestigasyon, nalaman na notoryus umanong akyat-bahay ang suspek dahil may mga nauna na itong record ng pagnanakaw sa condominium pero hindi ito mahuli-huli.

Natiyempuhan lamang ito ni Dimayuna na nalaman na una nang nasalisihan sa kanyang unit.

Sinampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutor Office ang suspek na nakapiit ngayon sa Lawton Police Community Precint. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy