Una sa Balita

Aktres walang utang na loob sa talent manager

By
0 393

abante-anything-goes-jun-lalinMay mga nagsasabi man na weird ang aktor na ito na nakasama sa isang katatapos lang na teleserye, sobra namang bait ng taong ito.

Kahit co-manage na ang career niya ng talent ma­nagement department ng TV network na kinabibilangan niya, hindi naman niya inililigwak ang taong naka-discover at nagpasok sa kanya sa showbiz.

Hanggang ngayon ay co-manager pa rin sa kanyang showbiz career ang taong ‘yon.

Ang dahilan ni aktor, “Ayoko siyang alisin dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kahit ‘yung mga project na dumediretso sa akin, idinadaan ko pa rin sa kanya!”

May ibang mga artista kasi na basta co-manage na ang showbiz career ng talent management department ng TV network na kinabibilangan nila, hinahayaan na lang ‘yung mga taong nagbukas ng ‘pinto’ ng showbiz sa kanila.

May isa nga akong kila­lang aktres na walang kamalay-malay ang kanyang manager na atat na atat na siyang iwan ito. Pero walang balak si aktres na lumipat ng ibang talent management, ang gusto ni aktres, siya na lang mismo ang mag-manage ng kanyang career at kukuha na lang siya ng mag-aasikaso ng kanyang mga schedules.

Sinasabi na rin ni aktres­ sa iba na hindi na siya happy sa kanyang manager dahil wala raw nagagawa sa kanyang showbiz career kahit ang totoo ay bongga ang mga deal na nakukuha nito para kay aktres.

May mga kuwento nga na kasama raw sa future plans ni aktres ang maging talent manager na rin.
Well…