Una sa Balita

Aktres sabog sa TV interview

0 1,267

NADISMAYA ang maraming nakapanood sa naging galaw ng isang hindi sumisikat na aktres nang mag-guest ito sa isang talk show sa telebisyon.

Sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, parang tumira daw muna ng katol, eheste iligal na droga ang aktres bago sumabak sa interbyu ng baklang host.

Mismong host ang nakahalata na parang bangag ang aktres, aba’y para kasi siyang nasa bar at nakaubos ng isang boteng tequila kung umasta sa show.

Dating pa-cute daw muna ang aktres pero hindi pumatok hanggang sa magpa-seksi, pero hindi pa rin kinagat ng madlang pipol.

Maging ang politikong nakapanood sa show, nadismaya sa aktres dahil imbes na maging ehemplo ng kabataan, kabaligtaran ang ginagawa ng hitad.

Pintahan n’yo na. Ang aktres na ba­ngag nang sumabak sa TV interview ay minsang nagbilad ng katawan sa men’s maga­zine. May letrang B sa kanyang pangalan, as in Boobs niya ay mukhang dinoktor.