Una sa Balita

Aktres pinaglaruan ng kapre

By
0 434

abante-anything-goes-jun-lalinKapag ganitong malapit na ang Halloween at All Souls Day, kung anu-anong kuwentong katatakutan na ang napag-uusapan.

Hindi nga ligtas ang ilang showbiz personality sa mga ganitong kuwento.

Mabuti nga at naibenta na ng isang showbiz family ang isang bahay nila na masasabing may mga nangyayari ring kababalaghan noong mga panahon na doon pa sila nakatira.

Hindi rin kasi biro ‘yung nangyari sa aktres kung saan ay ilang beses siyang lumalakad habang tulog at kapag nagising ay may mga pasa pa.

Hanggang sa umalis sila sa bahay na ‘yon ay hindi naipaliwanag kung ‘nasasaniban’ ba si aktres kaya siya nakaranas ng ganoon.

May kuwento rin ang nanay ni aktres na nung mag-stay sa kanila ang isa niyang kapatid at nasa terrace ito ng second floor ng bahay na ‘yon ay sobra raw itong nag-react dahil mausok at may naninigarilyo sa may puno na tabi ng swimming pool.

“Hoy, huwag kayong manigarilyo, magagalit si (pangalan ng nanay ni aktres),” sabi pa ng sikat na uncle ni aktres sa hindi nakikitang naninigarilyo.

Nagulat na lang daw si uncle nang mapagtanto na ang naninigarilyo ay wala sa baba ng puno. Nasa may taas pala ng puno.

Ang duda nga nila, may kapre sa punong ‘yon.

Ang kapre kayang ‘yon ang dahilan ng paglalakad ng aktres habang tulog? Pinaglaruan ng kapre si aktres? Puwede, di ba?

Ang hirap ipaliwanag! Nakakakilabot! Habang sinusulat ko nga ang istoryang ito, kinikilabutan pa ako! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy