Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres pasaway, kinamumuhian ng staff

0 135

Hindi na nga makakabalik pa sa dating gawi ang aktres na sinasamba sa showbiz dahil sa kanyang stature. Mahihirapan na rin itong makakuha ng mga magagandang project.

Base kasi sa mga naririnig naming kuwento sa huling network na pinagtatrabahuhan niya, inabuso raw ng aktres ang prebilihiyong ibinigay sa kanya ng production.

Naging sakit ng ulo ng production ang aktres, kung saan muntik nang mag-walk out ang kanyang mga director sa maraming pagkakataon.

Ilan sa mga kuwento, ay kung paanong hindi puwedeng gisingin ang aktres kapag natutulog ito sa set, at hintaying gumising ito para magtrabaho.

Laging naga-adjust ang production sa kukunang eksena kapag hindi pa puwede ang aktres.

Maarte rin daw ito sa mga isusuot na damit kaya halos sabunutan ng stylist ang sarili sa sobrang stress.

Mabait namang makisama ang aktres sa lahat, may problema lang sa working attitude niya.

Mula nang matapos ang huling serye nito, kapag ibinabato sa creative team ang pangalan nito sa susunod na serye, binabaril ito at nilaglag sa cast.

Salungat naman ito sa kuwento ng iba, dahil sabi nila, nadi-delay lang daw ang taping kapag inaatake ng migraine ang aktres. Pinapahupa muna ang matinding kirot sa ulo nito, at kahit may iniinda pa ang aktres sumasalang na ito sa eksena.

Namimili lang ng damit ang aktres na isusuot mula sa produksyon dahil may allergy ito sa mga fabric, tela.

Gaya ng ibang artista, natural na sumpungin ng mood ang aktres, pero ‘di ito dahilan para bigyan ng sakit ng ulo ang mga kasama.

Choice raw ni aktres na mamili ng mga project dahil sa health condition at mas pinili nito ang kanyang pamilya. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.