Una sa Balita

Aktres nilihim ang panganganak

0 987

Nagbuntis, nanganak ang isang aktres kamakailan. Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkumpirma sa amin tungkol sa panganganak ng isang controversial young actress.

Ayon sa source, nag-open up si boyfriend sa kanyang mga kaibigan nang mag-get together ang mga ito. Ang nasabing grupo ay pawang mga mahuhusay sa manibela.

Sey ng aming informant, mismong si boyfriend ang nagbalita na isa na siyang daddy sa kasintahan niyang aktres.

Bagama’t, masaya si boyfriend sa pagiging daddy niya, tila hindi pa ito handa sa responsibilidad. Mabuti na lang at very supportive ang mayaman nitong mga magulang na nabibilang sa angkan na taga-South.

Hindi problema ng aktres ang pangangailangan nito at ng baby dahil well-provided daw ito ng mga magulang ng lalaki.

Sa pagkakaalam ng aming source, nagsasama na sa iisang bubong ang aktres at ang boyfriend nito, pero wala pa sa plano nilang dalawa ang kasalan.

Very active sa social media ang aktres pero walang nakahalatang buntis ito. Magaling umanggulo at magtago ito ng kanyang tiyan kaya hindi ito natsismis na nagdadalantao.

Posibleng matatagalan pa bago bumalik ng showbiz aktres. Bago ito nabuntis, matabang na rin ang panlasa nito sa showbiz dahil sa negative image nito na suplada.

Sayang lang dahil malawak pa naman ang puwedeng iunlad ng kanyang acting career. Well, hindi rin naman sumikat nang husto ang aktres.

Derek biggest blessing ko – Andrea

Patuloy sa pagpapalipad ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa sa social media ang magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres. Sa pinakabagong post ni Derek sa Instagram ng mukha nilang dalawa ni Andrea habang magkayakap at hinahagkan ng hunk actor ang pisngi ng kasintahan, nag-comment ang huli na ang nasabing kasintahan niya ang pinaka-malaking blessing sa kanyang buhay.

Bukod sa pamilya, career, si Derek na ang itinuturing ni Andrea na pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay. Umaapaw nga sa kaligayahan ang puso ni Andrea.

Halos labas na ang boobs, singit:

Ina sinita ng fan sa sobrang paghuhubad

Muling napagsabihan na “sobra na” ng isang netizen si Ina Raymundo, nu’ng i-post nito ang latest sexy pictorial niya. Nakabalandra sa Instagram ni Ina ang photo niya na lantad ang kalahati ng kanyang katawan na hubo’t hubad.

Nakasungaw ang isang suso nito na nipple lang ang natatakpan ng trench coat. Sa baba naman ay nakasilip ang pisngi ng kaselanan ng 90’s sexy star.

Sabi ni Ina sa caption ng larawan nya, “simply, self love baby.”

Sa paningin ng isang netizen, hindi simple kundi lumabis na si Ina sa kanyang paghuhubad.

@catchmec21, “i love you tho, but this is a little too much, sorry!”

Lima ang anak ni Ina at may dalaga na itong panganay at nagbibinatang anak na lalaki. Marahil ang estado nito sa personal life at edad nito ang naging pamantayan ng netizen para punahin ang seasoned actress.

Nag-reply naman si Ina sa comment at ipinaliwanag na pagmamahal sa sarili ang intensyon niya.

@inaraymundo95, “@catchmec21, i’ve anticipated this kind of comment and it’s ok. I understand that i can’t please everyone. It’s self-love and i hope you do the same in your own way.”

Nilagyan din niya ng smiley emoticon ang mensahe bilang pagpapahiwatig na hindi siya nasaktan sa comment.

Anyway, karamihan naman sa mga follower ni Ina ay pinupuri ang confidence at hotness ng sexiness niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More