Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres nilayasan dyowa, ‘di masikmura trip sa kama

0 522

Hiwalay na sa asawa ang aktres dahil sa isang pangyayari na hindi niya masikmura.

Kung tutuusin maganda ang buhay ng aktres, dahil mayaman ang kanyang asawa, matatalino, magaganda, mababait ang kanyang mga anak.

May sarili ring career ang aktres, na kumikita talaga siya ng malaki.

Masasabi talaga na marangya ang kanyang buhay.

Ideal na sana ang kanilang pagsasama, pero ramdam ni aktres na may mental health issue ang kanyang asawa.

Hindi naman ito nananakit, hindi rin ito bipolar, walang panic attack, walang anxiety. Ang problema lang ay trip nito sa sex.

Sagana naman si aktres sa ‘dilig’ kay mister pero ang hindi niya masikmura ay kailangan pang manood nito ng porn kapag nagtatalik sila.

May pagkakataon pang nahuhuli ni aktres ang asawa na nagsasarili habang nanonood ng porno.

Sexy pa rin, maganda, mabango, sariwa, at puwedeng makipagsabayan sa paangasan ng alindog sa mga baguhang sexy star si aktres, kaya kataka-taka na may kakaibang trip ang mister nito.

Kaloka, di ba? (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.