Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres nagbebenta ng bahay

0 203

Ibinebenta ng isang singer/actress ang kanyang bahay.

‘Yan ang tsika ng isang kakilala niya. Pero hindi naman daw yata nagigipit si singer/actress. Gusto lang daw yatang lumipat ng ibang bahay ni singer/actress dahil very sad pa rin siya sa pagkawala sa buhay niya ng isang taong sobrang pinagkakautangan niya ng loob.

Kung sa naipon daw, maraming naipon si singer/actress dahil hindi naman siya gastadora. Actually, magaling daw humawak ng pera si singer/actress dahil kahit nagka-COVID-19 pandemic, mukhang ok na ok pa rin siya.

 

Dominic Roque nganga ang career

Sa isang lunch, nakatsikahan ko ang manager ni Dominic Roque na si Mac Merla (Cornerstone). Kinumusta ko kung may mga offer ba kay Dominic na makasama si Bea Alonzo?

Noon pa natsitsika na magkarelasyon sina Dominic at Bea.

Sabi ni Mac, wala pa naman daw silang natatanggap na inquiries.

Actually, wala nga raw munang acting project si Dominic.

“Mas busy siya ngayon sa social media. Marami rin kasi siyang endorsements sa mga ganoon,” sabi ni Mac.

Of course, obvious na busy rin si Dominic with Bea dahil marami ring sightings na magkasama sila.

Anyway, marami rin namang mga fan ang kinikilig sa kanila!

 

‘KilaboTitos’ sa March 26 na

Sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion ang guests ko mamayang 2:00PM sa “Anything Goes” show ko for Abante News Online Facebook page (at puwede rin sa Anything Goes with Jun Lalin YouTube channel).

May kinalaman sa “Virtually Yours, KilaboTitos” virtual concert nila sa March 26, 8:00PM sa KTX.ph ang guesting nilang ‘yon.

Aliw lang katsikahan sina Ogie at Ian dahil panay ang biruan nila. Magkasundong-magkasundo nga ang dalawa, kaya sabi ko sa kanila, tama lang na mala-musical sitcom ang concert nila.

Ngayon nga pala ang simula ng rehearsal nila at bukas, nasa Music Museum na sila para mag-rehearse uli at ma-perfect ang gagawin nila sa taping on Wednesday.

Taped ang nasabing concert dahil gusto nila na mas mapaganda pa ‘yon.

Sabi ni Ogie, as a producer, sisiguraduhin niyang masunod lahat ng health and safety protocols sa kanilang taping.

May magbabantay raw na health and safety officers sa kanila!

Well, ganoon na naman talaga ang new normal ngayon dahil matindi pa rin naman ang banta ng COVID-19 pandemic.

Anyway, P800 at P1,200 ang digital tickets for “Virtually Yours, KilaboTitos” and as of now, ok naman ang benta ng tickets nila!

Nice!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.