Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres nabuntis ng non-showbiz BF

0 108

Buntis ang isang aktres. Ang nakabuntis daw rito ay non-showbiz guy.

May kilalang ka-loveteam ang aktres, pero mukha naman talagang walang namamagitang ano mang romantic relationship sa kanila.

Hindi pa ito niri-reveal at iilan pa lang daw ang nakakaalam, pero sa ilang malalapit niyang kaibigan, si aktres daw mismo ang nagkukuwento ng kondisyon niya.

Timing din na ipinapareha na ang ka-loveteam niya sa ibang aktres. Kaya naman pala, sa kondisyon na ito ni aktres, malabo na ngang ma-push pa ang loveteam nila. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.