Una sa Balita

Aktres na-basag kotse sa Antipolo

0 1,406

BASAG ang likurang bintana ng sports uti­lity vehicle (SUV) ng artistang si Patricia Javier matapos biktimahin ng gumagalang basag kotse gang at pagnakawan ng mga mamahaling alahas at gamit habang nakaparada sa isang restaurant sa Masinag, Antipolo, kamakalawa nang gabi.

Agad namang nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang Antipolo Police para sa agarang pagdakip sa mga bumibiktima ng magagarang sasakyan habang sinusuri pa ang nakalagay na closed circuit television (CCTV) camera sa harap ng restaurant.

Ayon kay Javier, ipinarada niya ang kanyang van sa labas ng isang restaurant sa Brgy. Masinag bandang alas-8:15 Linggo nang gabi dahil may ka-mee­ting nang marinig ang alarm nito.

“Sensitive kasi ang sasakyan ko. Akala ko nasagi lang. Tapos may nakita akong dalawang lalaking nakamotor sa tabi ng sasakyan, akala ko nasagi lang nila,” sabi ng aktres.

Nagulat ang aktres nang makita na bagsak ang likurang bahagi ng kanyang van at doon na nakita na nawawala ang kanyang Louis Vuitton bag na naglalaman ng kanyang wallet na mayroong mga ATM at credit card, kasama pa rito ang Diamond necklace na may initials na ‘PJ’, P300,000 halaga ng personal belongings at P10,000 cash.

“Sana ‘pag may nagbenta, itawag n’yo sa akin. Magkano man ibinenta, bibilhin ko,” pakiusap pa ni Javier. Nais kasi ng aktres na mabawi ang nawalang alahas dahil sa sentimental value nito sa kanyang career.