Una sa Balita

Aktres isinusuka ng kasamahan

Feelingera kasi

By
0 3,049

Baliw na yata ang ham aktres na ito. Hindi yata niya matanggap na support lang siya sa isang teleserye.

May isang ina ng aktres ang nagtsika na kesyo ikinukuwento nito sa mga kaibigang artista na taga-ibang network na siya daw ang dahilan kung ano man ang estado ng aktor na kanyang ka-loveteam.

Parang siya daw ang nagpaangat ng career ganu’ng kabaligtaran ang nangyayari. Tulog yata ito sa katotoha­nan na baligtad sa mga pinagsasabi niya ang nangyari.

Hanggang ngayon nga hindi siya makaarte nang tama. Mabuti na lamang hindi pumapatol sa babae ang aktor at baka kung saan siya pulutin.

Alam ng lahat ang ugali ng sinasabing aktres na ito at kaya isinusuka siya ng mga taga-production.

Sa bagong teleserye na kinabibilangan niya ay hindi niya matanggap na support lang siya at kaya marami siyang reklamo. May bago na naman paandar ito at tignan natin kung saan siya pupulutin.

Tutal naman ayaw na niyang umarte e di tumigil na lang siya sa pag-aartista at dun na lang sa gusto niya na mas malaki pa daw ang kita kesa sa mahabang taping. Kaloka.

Gabbi-Ruru bibitinin ang fans

Maraming fans ng GabRu ang natuwa nang malamang mapapanood na ulit sa primetime ang kanilang idolo.

Dahil dito ay nagpasalamat din sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa kanilang fans dahil hindi nahinto ang kanilang suporta sa kanilang dalawa.

At sa kanilang pagbabalik, excited silang ipakita sa mga viewers ang inihanda nila sa Sherlock, Jr. dahil completos recados ang show na ito.

Ayon kay Ruru, sigu­radong mahu-hook ang viewers dahil kada hu­ling episode ng linggo ay bibitinin ang vie­wers.

Malalim ang kuwento nito at hinaluan ng comedy, drama, action at siyempre kilig. Para talaga ito sa buong pamilya at hi­git sa lahat kapupulutan ito ng mga aral ng mga manonood.

Siguradong busog ang mga viewers sa kuwento ng Sherlock Jr. kaya dapat abangan ito ngayong Enero sa GMA.