Una sa Balita

Aktres hiwalay na sa foreigner BF

0 320

abante-anything-goes-jun-lalinBakit kaya hindi pa ina-announce in public ng isang aktres ang hiwalayan nila ng kanyang fo­reigner boyfriend?

Open na si aktres sa kanyang pamilya at friends tungkol doon, pero quiet naman siya sa kanyang social media. Hindi rin nagkukuwento si aktres sa entertainment press tungkol doon.

Sabi naman ng mga kakilala ni aktres, hindi naman daw maganda kung ipapangalandakan ni aktres ang tungkol sa hiwalayan nila ng la­laking nakarelasyon niya nang matagal.

“Siguro she will talk about it kapag natanong siya ng press kung bakit hindi na niya ipino-post sa kanyang social media account ang kanyang boyfriend,” sey naman ng isang kakilala ni aktres.

Well…

Vice Ganda inayos ang schedule para makaboto

Alam mo, Dondon, may nagtanong sa akin kung kasama ba ni Vice Ganda sa Tokyo, Japan noong Holy Week ang nanay-nanayan niyang si Maricel Soriano kasi nga may nakitang picture na magkasama sila sa lugar na ‘yon.

Sabi naman ng isang malapit sa TV host-comedian, nagkita lang sila roon ni Marya at hindi naman talaga magkasamang nagpunta roon.

Ang kasama talaga ni Vice ay ang close friend niyang fashion designer na si Paul Cab­ral.

Anyway, nakabalik na ng bansa si Vice at nasa “It’s Showtime” na. Kung hindi ako nagkakamali, nagte-taping si Vice ng ilang segments ng kanilang noontime show para kapag umalis siya sa May 1 pa-US para sa concert tour niya roon ay mapapanood pa rin naman siya sa show.

Pero alam n’yo ba na babalik kaagad ng Philippines si Vice on May 8 dahil boboto pa raw siya sa May 13?

“Gusto ni Vice bomoto, kaya uuwi siya kaagad at aalis uli on May 14 para sa second leg ng US concert tour niya,” sabi pa ng kausap ko.

Inayos daw talaga ni Vice ang schedule niya kasi gusto talaga niyang bumoto, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy