Una sa Balita

Aktres dapat matokhang, sobrang adik sa retoke

By
0 1,975

Nagsawa na rin ang showbiz media sa pagkilatis sa mukha ng isang pa­seksing aktres na tadtad ng retoke ang mukha.

Matigas din kasi ang paninindigan ng paseksing aktres na huwag aminin ang pagpaparetoke kahit naghuhumiyaw na ang katotohanang retokada siya.

Eh nang tanungin siya ng isang kaibigan kung bakit kinailangan niyang magparetoke parati, sagot niya eh, nakakaadik daw kasi ito. ‘Yung tipong may mga element daw ang gamot na tinuturok sa kanya na gusto niyang binabalik-balikan, huh!

Aba, dapat matokhang ang aktres na ito, pati na rin ang doctor na todo ang retoke sa mukha niya. Kaloka!

OFW sa Malaysia may discount sa Pacquiao, Matthysse fight

Inutos ni Senador Manny Paquiao na bigyan ng discount sa ticket ang mga OFW at mga Pinoy na nagtatrabaho sa Malaysia na gustong manood ng laban niya kay Matthysse ngayong Linggo sa bansa.

Rason ng senador, gusto niyang ma-experience ng ating kababayan ang kasiya­hang dulot ng pa­nonood ng boksing.

Ang laban kasi ang una ring project ng kanyang MP Promotions matapos kumawala ni Sen. Manny kay Bob Arum. Gaganapin ang laban sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Sa pic na naglabasan sa Instgram ng business manager niyang si Arnold Vegafria, nag-courtesy call siya sa Malaysian Prime Minister na si Mahathir.

Sa dami ng boxing fight ni Pacquiao, ngayon lang magkakaroon ng discount sa mga kababayan niyang manonood. Marami siyang mapapaliligayang kababayan natin sa pahayag niyang ito.

Robin tinawag na tanga, traydor ang mga oposisyon

Inalmahan ni Robin Padilla ang pagkalat ng tarpaulin sa iba’t ibang lugar na may nakalagay na, “Welcome to the Philippines, Province of China.”

“Bukod sa Katangahan ay isang napaka­laking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayan Pilipinas at ng ninunong China,” bahagi ng talak ni Robin sa kanyang Instagram.

Naglitanya si Binoe sa iba pang nilalaman ng post niya at sa bandang huli, “Ang sigalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot yan ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno!

“Una sa pag-handle ng North Borneo. Pangalawa sa Spratlys. Pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 Information ay binili mismo ng ninunong China sa mga local governments ng Pilipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng air strip at military base sa mga isla na pinag-aagawan. Panahon po ito ng nakaraang administrasyon.”