Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres ‘bumigay’ sa poging crew

0 217

Natagpuan na ng malungkot na aktres ang hinahanap niyang kaligayan sa buhay.

Kuwento ng aming source, bibigay na ang aktres sa panliligaw ng isang production staff/crew ng kinabibilangan niyang show.

Tuwing may taping daw si sad actress, meron itong nakahandang mainit na kape at ang paborito nitong snack sa kanyang dressing room. Courtesy ito ng staff/crew na matagal na raw may crush sa kanya.

Marami ang nakapansin na nag-iba bigla ang aura ng aktres tuwing magre-report ito sa taping. Kung noon ay kahit na nakangiti ito, ramdam nila na malungkot ito dahil nakikita nila ito sa mga mata niya. Ngayon daw ay parang may ibang glow si aktres at may ningning na ang kanyang mga mata.

Dahil sa natatanggap na atensyon ni aktres, hinahanap-hanap na raw niya palagi ang may crush sa kanyang staff/crew. Kapag breaktime raw, ang staff member na ito ang gustong niyang makasama para magkuwentuhan sila.

“Naku, alagang-alaga ‘yan ng staff/crew member. Kaya si sad actress, happy actress na at kinikilig kapag nasa paligid niya ang new-found inspiration niya. In fairness, guwapo at mabait ang staff member. Malaki ang naging tulong nito na muling makaramdam ng happiness ang hitad.”

Kahit tapos na ang lock-in taping ni aktres, balitang tuloy pa rin ang communication nila ng naka-close niyang staff member. Pinapa-deliver na lang daw ng staff member ang paboritong kape at snack ni aktres sa kanilang bahay.

Obvious na iba daw ang aura aktres kapag nagkakausap silang dalawa kaya kung ma-in love nga siya nang tuluyan, sana raw ay naging masaya ang mga tao sa paligid niya para kay aktres at respetuhin ang magiging choice niya. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.