Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktres binenta mga gamit ng ex-dyowang aktor

0 199

Wala na raw babalikan na mga gamit ang aktor sa bahay na tinirhan nila ng kanyang ex-girlfriend na aktres dahil binenta na raw ito ng aktres online.

Pinasubasta ni aktres ang mga mamahaling gadgets at kung anu-ano pang mga gamit ng aktor dahil ayaw na raw niyang makita ang mga ito. Imbes daw na itapon niya, binenta niya at pinagkakitaan pa niya ang galit niya sa ex niya.

Noong nagli-live in pa raw ang dalawa, tuwing may bagong gamit ang aktor, tinatago niya ito sa bahay ni aktres. Naadik daw kasi sa online shopping ang aktor noong magkaroon ng pandemya. Kaya naipon daw ang mga nabili nito sa bodega ng bahay nila.

Pero nagkaroon ng personal na problema ang dalawa at nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila. Noong mag-alsa balutan ang aktor, naiwan nito ang maraming nabili niya online. Ilang beses daw na pinapakuha ng aktres ang mga iyon sa aktor at panay daw ang oo nito. Pero inabot na ng limang buwan at parang walang effort itong kunin ang mga gamit niya.

Isang araw ay nakatanggap siya ng message mula sa aktor na ipa-deliver na lang daw ang mga naiwan niyang gamit sa bagong address niya. Doon na uminit ang ulo ng aktres dahil siya pa ang papagurin nito na ipa-deliver ang marami niyang naiwang gamit.

Kaya sa galit ni aktres, pinost niya sa isang online store ang mga gamit ni aktor sa mababang presyo. Mabilis daw nabili ang mga ito na ikinatuwa ng aktres. Lumuwag na ang bodega niya na puwede na niyang gamitin para sa mga gamit niya.
Nagpadala siya ng text message sa ex niya na huwag na niyang asahan ang pagdating ng mga naiwan niyang gamit dahil binenta na niya ang mga ito. Yung kinita raw niya sa pagbenta ay di niya ibibigay sa ex niya dahil bayad iyon para sa limang buwan na storage fee sa kanyang bodega at ang hati niya sa dalawang buwang renta na akala niya ay natakasana na niya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.