Una sa Balita

Aktres binakuran nang todo ng ina

0 816

Habang pinanonood na magsalita sa isang presscon ng aming source ang isang magandang female personality ay bigla nitong naalala ang mga hirap na pinagdaanan ng aktres nu’ng teenager pa lang siya.

Nabuo sa isip ng a­ming source na mabait ang female personality, hindi niya ginantihan nang negatibo ang sobrang pagpapahirap sa kanya nu’n ng kanyang ina, nanatili siyang mabuting anak sa kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Grabe sa sobrang higpit ang mommy niya. Halos ikulong na siya. Hindi siya puwedeng sumama sa mga friends niyang artista, bawal daw, mga bad influence daw sa kanya ang mga ‘yun!

“Trabaho-bahay lang ang routine niya nu’n, hindi siya puwedeng sumama sa mga co-stars niya, bawal na bawal, kaya umiiyak na lang siya,” kuwento ng aming impormante.

Kahit saan siya magpunta ay kasunod niya ang mommy niya. Hindi siya pinapayagang umalis nang mag-isa. Kailangang kabuntot kahit saan ang nanay niya.

“Alam n’yo naman ang mga teenagers, di ba? Pagkatapos nilang magtrabaho, nagba-bar sila. Pang-alis lang ng stress, panglibang lang, dahil puro trabaho ang inaatupag nila sa maghapon at minsan nga, sa magdamag pa!

“Ang mga kasamahan niyang artista, e, pinapa­yagang lumabas ng pa­rents nila, pero itong si ____(pangalan ng magandang aktres), talagang hindi.

“Ipinagpapaalam siya ng mga kaibigan niya sa mommy niya, pero hindi pa rin siya pinapayagan, nakakaawa siya nu’n. Para siyang kalabaw na kailangang magtrabaho sa maghapon, pero hindi man lang siya pinepremyuhang mag-unwind ng mommy niya.

“Mabait siya, kung sa ibang artista lang nangyari ang ganu’n, e, siguradong nagrebelde na. Pero ang girl na ito, e, mabait na anak pa rin, hindi siya nagpakasira.

“Mabuti naman at pinapayagan na siyang makipagrelasyon ng mommy niya. Ano ‘yun, buburuhin na lang siya? Napakabait talaga ng batang ‘yun,” papuri pa ng aming source sa magandang aktres na pangalang-lalaki ang tunog ng name.

***

Banat ng mga Falcis kay Kris nakakaumay na

Ang una, ikalawa, ikatlo at ikaapat ay okey pa. Pero kapag sobrang dami na, kapag paulit-ulit na lang ang mga sinasabi, ay nakakasunok na.

Maysakit na iniinda si Kris Aquino, pero ngayon pa siya dinadaluyong nang sangkatutak na kontrobersiya, bawal na bawal pa naman sa kanya ang ma-stress.

Pero nakatapat si Kris ng mga kalaban na parang walang kasawaan sa paglalabas ng kung anu-anong detalyeng personal laban sa kanya. Bagay na bagay na magkasangga ang magkapatid na Falcis.

Pagkatapos ni Nicko ay susunod naman sa pagpo-post ang kapatid nitong abogadong si Jess, parang ine-enjoy ng magkapatid ang atensiyong nakukuha nila, para silang mga starlet na tuwang-tuwang nagiging laman sila ng mga pahayagan.

Kung kami si Kris, tutal naman ay nakapagbigay na siya ng kanyang paliwanag tungkol sa nawawalang pera ng kanyang mga anak na sabi niya’y ninakaw ni Nicko, ay igagarahe na namin ang lahat ng aming mga gadgets.

Pabayaan na lang niyang kumuda nang kumuda ang magkapatid na Falcis, ipagbanduhan na nila ang lahat ng kanyang mga kapintasan at kasinungalingan ayon sa kanilang paniniwala, care bears na lang dapat si Kris.

Huwag na siyang sumagot, huwag na siyang magpagod sa kapapaliwanag, dahil makasasama ‘yun sa kanyang pisikal na kundisyon ngayon. Ibigay na niya ang entablado sa mga Falcis, mas malala­king entablado na ang pinagdaanan niya, hindi na niya kailangan pang maging bida.

Anumang kapintasan niya ang ilabas ng mga ito ngayon ay mawawalan pa rin ‘yun ng saysay kapag lumabas na ang positibong resulta ng resulosyon ng kasong isinampa niya laban sa kanyang dating ka-partner sa negosyo.

Kung panalo siya ay maraming salamat, kung talo naman siya sa kaso ay talagang ganu’n, hindi tayo nananalo sa lahat ng panahon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy