Una sa Balita

Aktres bet makarelasyon ang bagets

0 642

Ayon sa mga impormanteng matagal nang sumusubaybay sa buhay, career at lovelife ng isang magandang aktres ay talagang ayaw niyang makipag­relasyon sa mas nakatatanda sa kanya.

Makalawa lang daw ginawa ‘yun ng aktres, sa isang mayamang banyaga at sa isang kilalang aktor, pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Paninindigan ng aming source, “Tala­gang mga bagets ang gusto niyang karelasyon. ‘Yung mas malaki ang agwat ng age nila. Kailangang bagets ang guy dahil naniniwala siya sa law of osmosis.

“Dapat daw, e, mas bata ang lalaki para nakukuha niya ang kabataan at kasariwaan ng guy, lilipat sa kanya ‘yun, kaya hindi siya agad tatanda.

“At mukhang totoo nga! Aba, puro los­yang nang tingnan ang mga ka-contemporary niya, pero siya, parang hindi nga siya tumatanda! Mukhang bata pa rin siya, samantalang lampas-lampas na sa kalendaryo ang edad niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Nakarelasyon ng magandang aktres ang isang sikat na young actor. Ang problema, nabuking naman sila ng girlfriend ng sikat na bagets actor, kaya panandalian lang ang naging relasyon nila.

“Nakakaloka ‘yun! Palaging nawawala ang young actor, hindi mahagilap ng young actress na girlfriend niya. May nag-tip sa young actress, madalas palang nasa house ng may edad nang aktres ang boyfriend niya.

“Ayun! Nahuli nga ng young actress ang BF niya sa bahay ng girl. Masarap daw ka­sing mag-alaga ang may edad nang actress, saka magaling din sa alam n’yo na, kaya nawiwili sa kanya ang mga bagets!

“May isa pa siyang nakarelasyong young actor, di ba? Pero mabilisan lang ang relasyon nila, ang kuwento kasi, e, taga-Duty Free kuno ang young actor, e, mahilig pala si aktres sa mga residente ng Dakota Harrison!

“Ngayon, bagets na naman ang karelasyon niya. Bakit ba? E, sa ‘yun ang gusto niya! Law of osmosis!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

 

Kris panatag na ang loob sa resulta ng medical test

Maraming nakikibalita sa amin tungkol sa nawalang milyones ni Kris Aquino. Magkano raw ba talaga ang perang hinahabol niya sa taong pinagkatiwalaan niya nang isandaang porsiyento?

Ang unang lumabas kasing pigura ng nawawala niyang pera ay three hundred million. Pero mali raw ‘yun dahil seventy million lang ang totoong halagang hinahabol niya.

Meron na kaming pangalan ng taong hinahabol ni Kris na ipinaubaya na nga niya sa kanyang mga abogado pero hindi namin maaaring ilabas. Pinagkatiwalaan din kami, umaasa ang nagsabi sa amin na hindi namin papangala­nan ang naturang personalidad, kaya hanggang ngayong ay hindi namin binabanggit ang pangalan nito sa aming mga kolum.

Pero ang totoo ay naging malaking dahilan ng stress ni Kris ang kanyang natuklasan. May kuneksiyon ang pangyayari sa matinding pag-atake ng kanyang allergies.

Sobra niyang dinamdam ang kaganapan. Hindi niya sukat-akalalin na ang tao pala, kahit buong tiwala na ang ibigay mo, kapag nagkaroon ng oportunidad ay makakaya ka pa ring linlangin.

Pero positibong balita para sa mga tagasuporta ng aktres-TV host ang kanyang sinabi na ang pera ay kinikita pero ang ekstensiyon ng buhay ay hindi nabibili kahit saan.

Na totoong-totoo naman sa kahit anong argumento. Mahalaga ang pera, lalo na kung ibayong sakripisyo at pagpapagod ang pinagmulan nu’n, pero wala nang mas haha­laga pa sa buhay ng tao na isa lang.

Buhay pa rin ang dapat tutukan ni Kris, ang nag-iisang buhay niya, kahit para na lang sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

May kapanatagan na siya ng kalooban ngayon, luma­bas na ang resulta ng kanyang mga tests, wala siyang lupus pero kailangan na niyang uminom ng gamot nang habambuhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy