Una sa Balita

Aktres/beauty queen inalok ng Ferrari ng Chinese celeb

0 896

Naku, Dondon, napa-“WOW!” talaga ako sa kuwentong nakarating sa akin tungkol sa isang actress/beauty queen. Sa isang bonggang party raw kamakailan, nagulat daw lahat ng mga celebrity na kasama sa table ng babaeng ito nang lapitan sila ng isang Chinese guy na maraming bodyguards.

Mukhang smitten by the beauty and charm of the actress/beauty queen ang Chinese guy.

Paglapit daw nito kay actress/beauty queen ay nagpakilala sabay abot ng key.

Nagulat ang lahat ng mga katabi ni actress/beauty queen dahil key pala ‘yon ng Ferrari car ng Chinese guy.

Sinabihan daw ng Chinese guy si actress/beauty queen na puwede na niyang iuwi ang Ferrari car nito.

Shocked ang mga nakapaligid sa kanila. Mas lalong shocked si actress/beauty queen. Hindi raw nakakibo si girl. Tulala raw si actress/beauty queen. Parang hindi makapaniwala. Parang eksena raw kasi sa pelikula ang pangyayaring ‘yon.

Sabi ng isang saksi, hawak-hawak lang daw ni actress/beauty queen ang key ng Ferrari car. Parang nag-iisip daw si girl.

“Siguro 35 minutes ding hawak-hawak ni (name ni actress/beauty queen) ‘yung key ng Ferrari. Parang gulat siya. Pero nakita rin namin na lumapit siya sa Chinese guy at isinoli ‘yung key ng Ferrari car,” sey ng isang saksi.

Sabi raw ni actress/beauty queen, ibinalik niya ang key ng Ferrari car dahil mahirap na at baka kung ano pa ang maging “kapalit” no’n.

Oo nga pala, isang celebrity abroad ang Chinese guy na “nabighani” kay actress/beauty queen na kamakailan lang may ipinalabas na pelikula.

Sabi nga pala ng isang sexy star na kasama rin nila sa table, kung sa kanya raw iniabot ang key ng Ferrari car ay iuuwi na niya ‘yon.

Wow na wow ang kuwentong ito, Dondon, huh!

Ruffa bibitbitin sa block screening ang kaaway ni Annabelle?

Alam mo, Dondon, ang galing mag-playtime ni Ruffa Gutierrez, pero dahil kilalang-kilala ko siya, hindi niya ako “napasakay” sa pagpi-playtime niya the other night.

Akala yata niya ay magre-react ako sa list na ipinadala niya sa akin na kasama niyang manonood mamaya ng pa-block screening ko ng “Unbreakable” sa Podium Director’s Chair Cinema.

Kasama kasi ang name ng taong hate na hate ng nanay niyang si Annabelle Rama sa list na ipinasala niya sa akin. Pero, ‘deadmadela’ nga lang ako. Wala akong reaction.

So, after an hour, nang kausap ko na siya, hindi rin siya nakatiis at sinabing pinagre-react lang niya ako.

Sey ko naman, “As if, magre-react naman ako. Obvious na obvious. Hahaha!”

Anyway, ang isasama ni Ruffa sa panonood ng “Unbreakable” block screening ay ang mga anak na sina Lorin at Venice at ilang friends.

May text din si Ruffa na pinagre-react ako dahil plus 20 raw sila mamaya, siyempre ang sagot ko, “Back to back block screenings na lang tayo kung ganyan karami kasama mo. Hahaha!”

Actually, on Saturday raw ay manonood uli si Ruffa ng “Unbreakable” at 40 lahat sila ng friends niya.

“Ang daming gustong manood, kaya sabay-sabay kami sa Saturday. As of now, 40 kami ng friends ko. Ewan ko kung may mga madadagdag pa. Gustong-gusto nila, trailer pa lang!” sey pa ni Ruffa.

Wow, I’m sure, dadagsain ang mga sinehang pagpapalabasan ng “Unbreakable” starting today.

Speaking of block screenings nga pala, may kanya-kanyang theaters na pupuntahan ang mga bida ng pelikula na sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Sa napakaraming pa-block screenings, kailangang maghiwa-hiwalay sila. Sa nakita kong schedules ng theaters na pupuntahan ni Richard ngayon, may Trinoma, SM Megamall, Podium, Rockwell at S Maison (tabi ng MOA Arena) siyang pupuntahan.

Ang alam ko, may ibang mga sinehan na ilan ang pa-block screenings like sa Podium na apat, huh!

At alam mo ba, Dondon, dahil next week ay showing na rin sila worldwide, may ilang friends ako sa Los Angeles, California, ang gustong magpa-block screening ng “Unbreakable” at nagpapa-inquire sa Star Cinema kung paano, huh!

Ang bongga!

Anyway, ang “Unbreakable” nga pala ay Graded A by CEB (Cinema Evaluation Board), kaya naman tuwang-tuwa sina Richard, Bea at Angelica noong Monday nang malaman ang tungkol doon!

Gerald sinipa sa movie ni Lovi

Si Zanjoe Marudo pala ang partner ni Lovi Poe sa iWant Original Digital Movie na ginagawa niya ngayon sa Europe. Noong una ang natsika sa akin ng isang involved sa project na ‘yon ay dapat si Gerald Anderson daw.

‘Yon lang naman ang naitsika sa akin, tatanungin ko nga ang Dreamscape big boss na si Sir Deo Endrinal kung tama ba ‘yon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More