Una sa Balita

Aktres ayaw nang ikontrata ng magkalabang istasyon

0 662

abante-i-know-better-jun-nardoNaalarma ang isang winner ng artista search dahil ayaw nang i-renew ng kanyang network ang kontrata niya. 

Maganda naman siya’t marunong umarte, pero matapos bigyan ng malaking break sa isang series, nabawasan na ang project niya sa network.

Nagparamdam ang aktres na lumipat sa kalabang network. Eh, ayon sa aming source, matabang ang reaksyon ng mga executive ng network na gusto niyang lipatan.

There was a time kasi na kinonsidera na siya ng gusto niyang lipatang istasyon ngayon noong lumayas siya sa dating network pero ang katapat na network ang pinili niya.

Ngayong wala nang plano ang kanyang network na i-renew ang kontrata niya, mananatili siyang nakanganga sa trabaho hangga’t walang istasyong kumukuha sa kanya, huh!

 

Ritz nanlaki ang mga mata sa ‘ari’ ni Pepe

Winner ang che­mistry ng tandem nina Pepe Herrera at Ritz Azul sa una nilang movie together, ang The Hopeful Romantic.

Damang-dama ito ng mga nakapanood ng celebrity screening ng movie last Monday sa Trinoma Cinema dahil swak na swak ang mga eksena nilang nag­lalandian, huh!

Pareho kasing magaling umarte sina Pepe at Ritz at ang mga bitiw ng punchline ng singer-actor eh nakakatawa! Naitawid ni Pepe ang role niyang virgin sa babae at gayundin si Ritz na isang goldigger at bilmoko girl dahil sa nakaraang karanasan sa buhay!

Kuwela ‘yung pagdonselya ni Ritz kay Pepe. Pati na ‘yung sagpangan nila ng mga labi eh klik na klik sa manonood. Lalo na ‘yung eksena na nakita na ni Ritz ang nota ni Pepe, at bongga talaga ang pagliwanag ng kanyang mga mata, ha!

Ang maganda sa movie, magagaling lahat ng cast lalo na si Beverly Salviejo na lumabas na nanay ni Pepe. Panalo rin ang direksyon ni Topel Lee na higit na nakilala sa mga horror film.

Saka makikita rin ang ganda ng The Manila Hotel sa kabuuan ng movie na pumayag na doon i-shoot ang halos kabuuan ng pelikula.

Pure fun ang dating ng The Hopeful Romantic at pampagaan ito sa manonood sa dami ng issues ngayon sa bayan. Binigyan ito ng Garde B ng Ci­nema Evaluation Board.