Una sa Balita

Aktres at ex-politiko magka-live in

By , , , , , ,
0 4,006

Madalas tuksuhin ng kanyang mga kapwa artista ang aktres na ito dahil finally ay nakahanap na siya ng pangalawang ‘gloria’ sa buhay. Kung noon ay pumalpak-palpak ang kanyang career at hindi rin naging maganda ang kanyang first marriage na nauwi lang sa hiwalayan (at hindi yata sila close ng ex-husband niyang aktor), ngayon naman, bukod sa maganda na ang takbo ng kanyang career at hindi siya nawawalan ng TV series, pati ang kanyang lovelife ay blooming na bloo­ming.

Maganda nga ang relasyon ni aktres at ng kanyang dyowa na isang ex-politician.

Ang tsika, magka-live-in na nga ang dalawa at ang duda ng mga malalapit sa kanila, malamang na magpakasal na rin sila.

So, sinasabi ngang bongga na ang takbo ng career ni aktres, bongga pa rin ang kanyang love life. Malayo na nga ‘yon sa noon ay parang usad-pagong (na image niya noon) na career niya.

Jasmine tatalon na sa GMA, itatapat kay Anne

Mahilig mag-shopping si Anne Curtis at katulad siya ng ibang celebrities na nag-o-online shopping, pero marunong naman daw siyang mag-control dahil ‘yung mga importante lang daw ang binibili talaga niya.

At bago raw mag-check-out for payment, tsine-check niyang mabuti ang mga napili at madalas ay nagbabawas din siya kapag na-realized niya na hindi naman talaga niya kailan ‘yung inilagay niya sa kanyang online cart.

May mga nabibili ba siya na hindi rin pala niya nagagamit at nakatambak lang sa sto­rage?

“Nope! Never. Lahat, nagagamit ko. ‘Yung mga binibili ko na pang­regalo, naibibigay ko naman. Kaya walang nasasayang!” kuwento ng misis ni Erwan Heussaff.

Siya lang daw talaga ang nagsa-shopping ng mga kailangan niya at wala raw siyang perso­nal shopper. May ibang celebrities kasi na dahil sa pagiging busy, kumukuha pa ng personal shopper.

“Nag-e-enjoy ako sa online shopping. ‘Yung tinutukoy mo bang may personal shopper pa ‘yung kakilala natin pareho? Hahaha!” tatawa-tawang tanong sa akin ng first ambassador ng online store na Shopee Philippines.

Sa interbyung ‘yon din ay ayaw kumpirmahin ni Anne ang tsikang after niyang mag-renew ng exclusive contract sa ABS-CBN ay sa GMA 7 naman pipirma ng exclusive contract ang sister niyang si Jasmine Curtis Smith.

Ang ‘drama’ nga ni Anne habang inuusisa ko tungkol doon ay wala raw siyang alam talaga kung saan magi­ging contract star si Jasmine after mawala ito sa TV5. Naku, bongga ito kung itatapat si Jasmine kay Anne, ha! Lalo na pagdating sa primetime, pag nag-teleserye ulit si Anne, bukod sa Showtime.

Well…

Sarah dedma sa offer, ayaw pang magtrabaho

Noong March 21 lang nakapanganak si Sarah Lahbati sa second baby boy nila ng fiancé niyang si Richard Gutierrez, kay Baby Kai, pero I heard, ngayon pa lang ay may mga offer na sa kanya na magbalik-showbiz.

Pero siyempre, mas gusto ni Sarah na mas mapaghandaan ang pagbabalik niya sa trabaho at gusto rin naman niyang mas matutukan pa si Baby Kai, pati na rin ang panganay nila ni Richard na si Zion.

Sa ngayon nga, dedma muna si Sarah sa kanyang showbiz career dahil darating din naman ang tamang panahon para muli niyang harapin ‘yon, huh! Nag-e-enjoy pa nga sila ni Richard, pati si Zion, kay Baby Kai.

Pero malamang, sumama silang mag-iina sa isa sa inihahandang shows ng TFC (The Filipino Channel) for Richard. Hindi ko nga lang alam kung ngayong June na sa Canada (Winnipeg at Vancouver) sila sasama dahil baka hindi pa puwedeng bumiyahe si Baby Kai.

Basta ang alam ko, excited sina Richard at Sarah na mag-travel kasama ang dalawang anak.

Anyway, sa nga­yon, ang pinagha­handaan naman ng mag-lovey-dovey ay ang 5th birthday ni Zion on April 29. Baka magkaroon si Zion ng small party on that day dahil tamang-tama na Sunday ‘yon.