Una sa Balita

Aktor takot pag-usapan ang nakaraan sa bading

0 383

Past 50 na si aktor na galing sa isang kilalang showbiz clan, pero “makamandag” pa rin dahil kuwento niya, 19 years old ang karelasyon nito ngayon.

Ayokong isipin na baka nasilaw sa pera ni aktor ang girl dahil very vocal naman siya na madalas siyang kapusin ngayon sa pera.

Matagal-tagal din kasing walang showbiz project si aktor, kaya unti-unti na rin namang naubos ang mga naipundar niya.

Actually, may time na naging maganda ang buhay niya dahi tinutulungan siya ng isang sexy star na nakarelasyon niya.

Nang matapos ang kanilang relasyon, naging mabait pa rin naman si sexy star kay aktor dahil pinatira niya ito sa kanyang bahay (magkaiba sila ng kuwarto), inaabot-abutan at pinagagamit pa ng kotse.

Pero that was more than a year ago dahil mukhang na-realize ni sexy star na pabigat din si aktor.

So, nag-solo na nga si aktor. Nag-rent ng condominium unit na madalas na nade-delay ang bayad niya dahil paminsan-minsan lang siyang magka-raket sa showbiz. Madalas kasi ay hindi naman siya nagtatagal sa mga teleseryeng nilalabasan.

At ngayon nga, parang sinusuwerte raw siya, sabi ni aktor. Nang dumating daw kasi ang 19-anyos na karelasyon, nagkaroon siya ng regular TV show at maganda ang role niya at mukhang magtatagal daw siya roon.

“Saka ‘yung girlfriend ko ngayon, hindi siya umaasa sa akin. Madalas, tinutulungan pa niya ako sa bills ko. Kapag wala akong pera, siya ang nagbabayad,” sabi ni aktor.

Aminado si aktor na hindi niya napaghandaan ang kanyang future dahil noong bata-bata pa siya ay happy go lucky siya dahil spoiled siya sa tatay na mayaman.

Nang mag-abroad naman siya ay hindi rin siya nagseryoso at ilang mga babae ang nakarelasyon niya, at nagkaroon pa ng maraming anak.

Sabi ni aktor, kung maibabalik lang niya ang nakaraan, sana raw ay inayos niya ang takbo ng kanyang buhay. Sana raw ay naging wise siya at nakapag-ipon.

“Sana nga magtuloy-tuloy na ang pagganda ng career ko,” sabi pa ni aktor.

Isa sa mga araw na ito ay magge-guest si aktor sa online show ko sa Facebook page ng Abante News Online at handa raw siyang ikuwento ang naging masaklap na buhay, pero isa lang ang request niya, huwag na lang daw namin pag-usapan ‘yung chapter ng buhay niya na may isang mayamang bading sa Amerika na nagmahal sa kanya.

Well…

GMA, ABS sama-sama sa FDCP

Kahapon ay pinuntahan ni FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra, pati ni CEB Chairwoman Christine Dayrit, si Manila Mayor Isko Moreno para personal na imbitahan sa Centennial Year of Philippine Cinema event bukas sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Nang makatsikahan ko si Ms. Christine, sinabi nitong nag-yes daw si Mayor Isko at darating nga raw ito sa selebrasyon bukas.

Sobra nga raw pursigido si Ms. Liza na maging successful ang lahat ng events para sa Centennial Year of Philippine Cinema kaya naman sobrang sipag sa pag-iimbita para sa kick-off bukas ng nasabing selebrasyon.

Matupad kaya ang request ni Ms. Liza sa mga taga-ABS-CBN at GMA at mga production company na maging “holiday” bukas para maka-attend sa event sa Araneta Center ang mga artista at production people?

Sana!

Mr. & Miss Chinatown sa Abante

Mamayang 2:00PM, abangan ang guesting ng winners ng Mr. & Miss Chinatown 2019 sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy