Aktor-politiko mukhang daga ayon kay Direk Maryo

By

Pinangunahan nina Direk Maryo J. delos Reyes at Congressman Yul Servo Nieto ang pasasalamat sa press nu’ng Martes ng gabi kaugnay ng tagumpay na tinatamasa ng itinayong Productions 56 na namamahala sa career ng actor politician kasama sina Ruru Madrid, Miggs Cuarderno, Barbara Miguel, Neil Ryan Sese, Romano Vasquez, Will Ashely de Leon, Nash Aguas, Orlando Sol, Masculados, Leandro Baldemor, Nafa Hilario Cruz, Xyruz Cruz, John Raspado at Trio Tagapayo.

Inalala ni Direk Maryo ‘yung panahong inirekomenda sa kanya si Yul ng isang dating producer.

Mukhang daga ang unang tingin niya kay Yul pero nang pandayin ng director ang pagiging aktor nito sa pamamagitan ng acting workshops, hayun at kuminang ang pagiging aktor niya at nagkasunod-sunod ang acting awards na napanalunan.

Ngayon nga ay respetadong kongresista si Yul sa isang distrito sa Maynila.

Ipinagmalaki ng kanyang staff ang maraming accomplishments niya bilang kinatawan ng disrito sa loob lamang ng wala pang isang taong termino niya bilang congressman.

Isa naman sa most sought Kapuso actors si Ruru nga­yon. Nabigyan siya ng Best Actor award sa nakaraang Star Awards for TV para sa Alyas Robin Hood.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang bagong series nila ni Gabbi Garcia na Sherlock Jr.

Pinasok ni Direk Maryo ang pagde-develop ng talents bilang pagsunod sa payo ng yumaong artist-discoverer na si Douglas Quijano.

“Ayaw niyang ma-stock up kami sa artista noon gaya ni Gloria Romero.

“Here we are now, still growing kaya naman nagpapasalamat kami tonight sa press na kasama namin mula nu’ng unang tayo ang Productions 56 hanggang nga­yon.


Maraming-maraming salamat!” pahayag ni Direk Maryo J.

SHARE