Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor-politiko ginarahe dyowang starlet

0 195

Gaano katotoo ang tsikang binusalan umano ng higanteng TV network ang alaga nilang aktres upang hindi nito maisawalat sa publiko ang umaasim na relasyon sa asawa nitong actor-politician na nagkaroon ng extra-marital affair sa isang starlet?

Mukhang ibinahay pa nga raw ng guwapong aktor ang kanyang kulasisi, aba’y bubot pa kasi ito noong kanyang mapitas kaya parang adik sa droga na hindi mabi­tawan ang pagkalulong sa babae.

Pero tulad nga ng ka­sabihang walang lihim na hindi nabubunyag, nalaman din ito ng aktres at ng mismong television network na nag-aalaga sa mag-asawa.

Naitsika ng ilang ‘Marites’ kay Mang Teban sa isang kapihan na pina-deactivate umano ng network ang mga social media account ng aktres dahil sa posibleng magbigay- daan ito para masilip ang mga ganap sa kanyang buhay gaya ng ginagawa ng ilang celebrity.

Dahil sa takot na mawalan ng career kahit sustentado umano ng kanyang aktor-politikong benefactor ay sumunod naman ang aktres sa wish ng kanyang network. Tsika pa ng mga ‘Marites’ mukhang nagkakaintindihan na ang network at si aktor-politiko sa pagkontrol sa galaw ng aktres.

Ang aktor na ito ay da­ting humawak ng puwesto sa gobyerno at in fairness ay naging tagumpay naman siya sa hinawakang ahensiya ng gobyerno. Ilang beses na rin itong napabalitang sasabak sa eleksiyon partikular ang pagtakbong senador o congressman pero nakapagtatakang hindi tumuloy gayung pasok ito sa banga as in sure winner dahil sikat ito sa buong bansa.

Sinasabing ang itinatago nitong misteryo ang humahadlang sa kanyang pagsabak sa mundo ng politika dahil baka malantad ang kanyang sikreto at masira ang kanyang pamilya.

Pintahan niyo na. Ang aktres na binusalan ng kanyang network ay may letrang M sa kanyang pangalan as in Marites ang sikat na palayaw ngayon sa mga tsismosa habang ang aktor naman ay laging naka-Dilaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.