Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor-politiko bumabad sa resort kahit binabayo ni ‘Ulysses’

0 331

Umariba na naman ang isang kilalang actor – politiko sa kanyang pagiging lagalag.

Sa impormasyong nakarating kay Mang Teban, naispatan daw itong si actor-politiko sa isang bonggang resort-hotel na malapit sa kanyang nasasakupan.

Wala sanang isyu kung makita si politiko sa nasabing lugar kasama ang may 50 nitong mga opisyal dahil mayroon daw silang kumperensya. Ang hindi lang maarok kay actor-politiko ay wapakels ito sa bagsik ng bagyong Ulysses gayong halos lubog na ang Metro Manila at karating lalawigan kabilang ang kanyang nasasakupan.

Bukod sa dedma sa sama ng panahon ay pangyayamanin daw ang dinayong resort ni actor-politiko at mga kasamahang opisyal sa isang lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Ikaw ba naman ang magbayad ng P1.2M sa dalawang gabing pananatili para sa may 50 katao, talagang ibang level. Inukupa nga raw ng grupo ni actor-politiko ang lahat ng luxury villa sa resort kaya para na ring exclusive sa kanila ito.

Alam kaya ng DILG ang mga pinaggagawa ng opisyal na ito gayong matinding health protocol ang ipinatutupad sa buong bansa.

Sabagay minsan na rin itong naeskandalo dahil sa pagbiyahe sa isang lalawigan ng walang kaukulang dokumento.

Clue: Ang actor-politikong ito ay may letrang D sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Dedma sa bagyo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.