Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor nakabuntis ng iba: Showbiz couple amoy hiwalayan

0 212

Sa tagal na ng pagsasama ng celebrity couple na ito, nakakalungkot naman kung ngayon pa posibleng masira dahil sa diumano’y nabuntis daw ng actor ang isang babae.

Ang siste, sinasabing naanakan daw ng actor ang isang babae, pero, itinatanggi raw ito ng actor. May balita rin na tila sure ang actor na hindi siya ang ama ng ipinagbuntis daw ng babae.

Kung hindi ito makukuha sa maayos na usapan, ‘di kaya mauwi sa legal ang usaping ito? Who’s who kasi sa kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo.

Kung mauwi sa hiwalayan, marami ang manghihinayang sa pamilyang binuo ng mag-asawang aktor, aktres. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.