Una sa Balita

Aktor nahuli ni aktres na nakipagdyugdyugan sa ibang babae

0 2,181

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, fee­ling ko, hindi magiging magkaibigan ang isang controversial actor at ang aktres na ex-dyowa niya dahil kaya pala sila tuluyang nagkahiwalay ay napikon si lalake sa pagiging bilmoko ni babae.

Naloka nga ako nang malaman ko ang kuwento tungkol sa paggamit ni aktres ng credit card ni controversial actor nu’ng magkaroon sila ng away at nag-cool off. Noon pa naman daw pinagagamit ni controversial actor kay aktres ang credit card niya, pero ipinapaalam naman daw ni babae kay lalake kung ano-ano ang bibilhin niya at approved naman daw ‘yon ng noon ay karelasyon pa nito.

Noong nag-cool off daw kasi ang da­lawa, sa inis ni aktres, bigla siyang bumili ng Hermes bag at ginamit na pam-book ng travel abroad ang credit card ni controversial actor. Hindi sana mapapansin ni lalake ‘yon, pero nag-react ang nanay niya sa laki ng credit card bill niya the next month.

Nang i-check ni controversial actor, may Hermes bag at travel abroad na naka-charge at nalaman na lang niya na ang ka-cool-off niyang girlfriend na aktres ang gumamit, kaya sa inis niya, tuluyan na silang naghiwalay.

Ni hindi na nga yata kinausap ni controversial actor si aktres dahil nahiya siya sa nanay niya dahil ito pa ang nakabuking ng pagiging bilmoko ni aktres. Ang tsika nga pala sa akin, kahit naman daw ang iba pang mga nakarelasyon ni controversial actor ay pinagagamit din niya ang kanyang credit cards, pero wala sa mga ito ang nagsamantala.

Sabi naman ng isang malapit kay aktres, sinadya raw talaga nito na gamitin ang credit card ni controversial actor sa pagbili ng Hermes bag at sa pag-book ng travel package abroad (sa isang exotic island) sa inis ni aktres kay controversial actor.

Nabuking daw kasi ni aktres na may naka-“one night stand” si controversial actor, kaya to get even, hindi man kumuha ng ibang lalaki si aktres, bumili naman siya ng Hermes bag at nag-book ng travel package abroad gamit ang credit card ni controversial actor!

Well, ang bongga ni aktres!

Pia sa Australia magbi-birthday 

Birthday ni Pia Guanio sa Wednesday, kaya naman aalis siya, kasama ang buong pamilya, pa-Sydney, Australia. Bale bukod sa mister niyang si Steve Mago, kasama rin ang dalawa nilang mga anak na sina Scarlet at Brooklyn, pati ang yaya.

“We’re all going. Birthday vacation for me and my family, kasama pati ang yaya,” sey ni Pia nang makatsikahan ko sa backstage ng Eat Bulaga.
Actually, paminsan-minsan ay isinasama ni Pia sa Eat Bulaga ang panganay niyang si Scarlet.

Batang aktor sobrang hilig sa sex

Naaliw ako sa kuwento ng isang nakari­nig sa tsikahan ng isang young actor at ng isang kasama niya sa isang out of town promotional event para sa isang bagong TV series. Itsinika raw kasi ni young actor ang tungkol sa kanyang first sexual experience.

Mas bata raw kasi ‘yung girl at nakilala niya noong nakatira pa siya sa ibang bansa. Ang ikinaloka ng nakarinig ay ‘yung sinabi ni young actor na 8-years old pa lang siya nang magkaroon ng first sexual encounter!
Nakakaloka, sobrang bata!

Pero sabi naman ng nakarinig, “True kaya ang kuwento niya? Baka naman imbento lang niya ‘yon para lang may mapagkuwentuhan sila at naiinip yata sa out of town promo.”

Well, basta ang alam ko, ang tsika, sobrang active si young actor sa bagay na ‘yon at ang girlfriend niya na non-showbiz ay mas matanda raw sa kanya ng mga four years, huh!