Una sa Balita

Aktor ‘naebak’ sa motorcade

0 443

Noong Biyernes ay nasa Cabanatuan City kami para samahan ang mga artista sa annual Wheeltek/Kawasaki Bingo Bajaj. Nagsimula ang araw sa isang mahabang motorcade na umiikot sa major thoroughfare ng Cabanatuan.

15 years or more na yata naming ginagawa ito. Pero ngayon lang kami nakaranas na sa kalagitnaan ng motorcade ay kailangan bumaba ng isang artista para magbanyo dahil kumulo at sumakit ang tiyan. Naebak nga si aktor, ha!

Kaya sa pag-ikot ng motorcade ay nawala siya at sumakay muli after makaraos. Hahaha, panay ang kantiyawan after ng motorcade at bumawi na lang sa entablado kinahapunan ang artista para mag-entertain sa mga nagbibingo.

Talbog!

Vilma, Dan, Yul hinarana ng showbiz press

Kaming mga showbiz press ay parte na ng napakalaking pamilya ng showbiz, since lahat kami na gumagalaw sa mundong ito ay magkakakilala at magkaka-chika.

Kaya nang bumisita kami sa Batasang Pambansa para sa traditional Christmas caroling ng Philippine Movie Press Club Inc. members ay napahanga kami sa action star na si Congressman Dan Fernandez na nasa rostrum ng Plenary Hall kung saan siya nagpi-preside sa araw na ‘yun.

Nakaka-proud pagmasdan si Cong. Dan Fernandez habang hawak niya ang gavel na simbulo ng Speaker of the House of Representative.

Sabay-sabay kaming inistima ng mga congressman mula sa showbiz gaya nina Cong. Alfred Vargas, Cong. Yul Servo, Cong. Dan Fernandez at Cong. Vilma Santos Recto.

Hindi man nagpakita si Cong. Lucy Torres-Gomez ay nagpadala ito through Ate Vi ng kanyang share sa caroling. Ganu’n din si Cong. Precious Hipolito.

Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa amin. Mabuhay kayo at Merry Christmas.

Bossing, Coco, Vice may tulog kay Aga

Naimbitahan kami sa press preview ng “Miracle in Cell No. 7” kung saan ang nagbabalik na si Aga Muhlach ang lead actor. After namin mapanood ang nakakaiyak although may comedy rin na pelikula ay naniniwala kami na tapos na ang laban sa best actor at may nanalo na.

Pinahanga kami ni Aga sa ipinamalas niyang acting bilang isang tao na kulang sa pag-iisip. Maski ‘yung batang babae na anak niya ay napahanga rin kami.

Titiba ito sa takilya at magiging word of mouth na siyang magiging blockbuster ito. Kaya may tulog pa sina Coco, Vice, Bossing kay Aga, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More