Una sa Balita

Aktor na nag-asawa ng transsexual, grab driver na ngayon sa Cebu

By
0 99

Naaalala niyo pa ba si Bugz Daigo, ang Starstuck Avenger na pinakasalan ang isang transsexual na si Hazel Timonera five years ago?

Naging trending topi­c ito noon lalo na’t hindi ipinagkaila ni Bugz na mahal niya ang kanyang ‘asawa’ at handa niya itong makasama habang buhay. Kumusta na kaya siya ngayon?

Well, as of now, isa na pala siya sa pinaka­guwapong grab drivers ngayon na coincidentally­ ay nasakyan ko papunta­ sa hotel kung saan ako magtsi-check in.

Nagkagulatan pa kami nang batiin niya ako ng “Tito, ako si Bugz Daigo.”

Kaya pala sa pag-boo­k­ ko parang familiar sa akin ang name pero deadma lang ako. Mas nakilala pa niya ako dahil after nu’ng Starstruck, ilang beses din kami nagkasama sa mga out-of-town shows.

Ayon na rin sa kanya, matagal na silang hiwalay ni Hazel na uma­bot sa dalawang taon ang kanilang pagsasama. Nagdesisyon raw kasi itong mag-abroad na tinututulan niya hanggang mauwi ito sa hiwalayan.

Bilang solong buhay, ay nagtrabaho si Bugz sa Macau bilang entertainer dahil may boses nga ­naman ito.

Nang medyo nakapag-ipon na, umuwi na siya ‘Pinas hanggang magkaroon ng panibagong karelasyon. This time ay totoong babae na ito kung saan nagbunga ito ng isang cute na anak na 2 years old na ngayon.

Pero, na­ging complicated rin ang kanilang relasyon kaya isa siyang single­ dad as of now.

Bukod sa pagga-grab car na sarili naman niya ang kotse, abala rin si Bugz sa isang online business.

Dadding-daddy na ang mukha’t pangangatawan nito, pero guwapung-guwapo pa rin. Okey lang daw na bumalik siya sa showbiz kung may interesado pa sa kanya kahit Daddy role na.
Why not, coconut!!!

Richard Gomez, hindi feeling big star sa Ormoc 

Richard Gomez
Richard Gomez

Isang taga-Ormoc ang nakatsikahan namin dito sa Cebu City at nagkuwento kung gaano nila kagusto si Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc­ City. Kahit nga raw baguhan ito bilang ama ng kanilang lungsod, marami na raw itong nagagawa.

Ang isa pang ipinagmamalaki niya ay ang sobrang bait daw nito at hindi feeling artista o big star. Ikinatutuwa nga raw nila kapag nakikita nila mismo­ na si Goma ang nagmamando ng trapik sa daan kapag kumakapal na ang traffic dito. Wala raw itong paki kahit mayor pa siya o isang sikat na artista.

Bukod pa rito, ang dami raw na astrodome sa lungsod nila na laging sarado at nabubuksan lang dati kapag may mahalagan­g okasyon, pero sa pamumuno raw ni Goma ay bukas na ito kung saan iba’t ibang sports and physical activities ang pwede nilang gawin na walang bayad.

At heto pa, lagi raw may pakain ito lalo nga ngayong Yuletide season na araw-araw nitong binubusog ang kanyang mga constituents.

Pero, gusto na rin daw nilang makita si Goma sa umaarte sa telebisyon at pelikula dahil sayang naman daw ang galing nito.

Oo nga, noh? Well, who knows, baka gulatin na lang tayo ni Goma!