Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Aktor mahilig tumikim ng boylet

0 222

Shocking ang kuwentong nasagap naming tungkol sa aktor na hindi naming inakalang may itinatago pala itong lihim sa kanyang pagkatao.


Sa nalaman naming, lumalabas na may pagka-kloseta ang aktor at mga mas bata sa kanya ang mga bet nito.


Ayon sa tsika, isang malapit sa aktor ang naka-diskubre ng tunay na pagkatao nito nang masilip ang kanyang mobile phone.


Hindi na nai-marites sa amin kung paanong nangyaring mapakailaman nito ang cellphone ng aktor.
Naglalaman kasi sa convo sa cellphone na merong mutual understanding ang aktor sa isang mas bata pa sa kanya.  At apparently, anak ito ng isa sa mga kakilala ng aktor.


May anggulo rin sa convo na may nangyari na sa aktor at sa lalake.


Gulat na gulat ang source lalo’t na may ka-relasyong babae ang aktor at mahal na mahal nya ito base sa mga postings nito sa kanyang social media.


Kabilang si aktor sa maraming male stars na napaghihinalaang kloseta.  Hindi nga lang ito masyadong nadikdik sa isyu dahil nasa heterosexual relationship ito.


Well, sa panahong ito hindi na isyu ang paglalantad. Malaki nga lang ang risk o challenge sa mga kilalang straight sa showbiz ang tunay nilang personality o sexual preference sa kanilang mga karera.


Binibigyan pa rin naming ng benefit-of-the-doubt ang aktor lalo’t walang direktang pag-amin ito sa kanyang natatagong pagkatao. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.